bc

Stallion #6: NEIJI VILLARAZA

book_age4+
2.2K
FOLLOW
13.6K
READ
friends to lovers
independent
doctor
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Boring ang buhay ni Winry. Wala na siyang social life, wala pa siyang lovelife. And she’s not getting any younger. Kaya nang mamatay ang matandang dalaga niyang tiyahin, nangako siya sa kanyang sarili na hinding-hindi siya matutulad dito na namatay ng malungkot at walang kasama.

Nagbago ang lahat sa buhay niya nang makita niya isang madaling araw ang takaw-trabahong si Neiji Villaraza sa isang café bar. She immediately fell for him. Ang problema, isang beses lang niya itong nakita at imposible na uli silang magkasama.

Hanggang sa manalo siya sa isang raffle promo. And premyo? A date with one of the commercial’s hunks. Kung saan isa roon si Neiji. She could have her chance again. Pero iba ang sumundo sa kanya.

Where’s her chance?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“FIFTY SEVEN minutes before two in the morning…” Hindi na alam ni Winry kung ilang beses na niyang tinitigan ang wall clock na nakasabit sa likuran ng pinto ng kanyang silid.  Madaling araw na pero heto pa rin siya at dilat na dilat.  Lahat na yata ng posisyon sa pagtulog ay nagawa na niya.  Sa kakabaling-baling niya sa kama, parang may katatapos pa lang tuloy na session ng orgy doon sa sobrang g**o niyon.  Ang dami na nga rin niyang nai-imagine mula sa pagbibilang ng mga tupa sa isip hanggang sa kung paano niya iti-trigger ang susunod na Ice Age.  Pero wala pa rin.  Hindi pa rin siya makatulog.  Parang naka-droga ang isip niya at ayaw dalawin ng pagod.   Isa lang naman talaga ang alam niyang dahilan ng lahat ng iyon.  Ang pagkamatay ng tiyahin niya.  Subalit hindi dahil sa kamatayan mismo nito nabuburyong ang utak niya.  Kundi sa katotohanang single ito nang mamatay.  As in matandang dalaga.  Ayon kasi sa isa nilang kamag-anak na nag-asikaso sa burol nito, natagpuan na lang itong wala ng buhay habang naka-upo sa paborito nitong rocking chair at nakaharap sa telebisyon.  Magdamag na itong patay bago pa natuklasan ang nangyari rito.  Palibhasa ay matandang dalaga nga at nag-iisa lang sa bahay.  malinis ang kamatayan nito, walang foul play ayon sa autopsy ng mga pulis.  Pinaimbestigahan pa kasi ito ng kanilang mga kamag-anak para lahat sila ay matahimik.   Her aunt died alone. Natatandaan pa niya ang pang-aalaska sa kanya ng mga pinsan niyang sina Budong, Arnold at Miguel nang mapag-trip-an nilang mag-inuman sa back garden ng bahay nina Budong kung saan ibinurol ang labi ng tiyahin nila. “Ikaw, Winry, ilang taon ka na?” “Gusto mong masaktan, Arnold?” “Nag-aalala lang naman kami sa iyo, Win.  Alam mo na, baka magaya ka kay Tita Luisa.  Namatay nang hindi man lang napapakinabangan ang kanyang matris.” Binatukan niya si Miguel.  “Gago ka talaga, ano?  Huwag ka ngang magsalita ng ganyan at baka bumangon sa kabaong niya si Tita at sakalin tayo.  Tumakas na nga lang tayo rito, eh.” “Tama naman si Miguel.  Tumatanda ka na, Winry.  Pero ni minsan ay wala kaming nabalitaan na nagka-boyfriend ka.” “E, pakialam mo ba?” angil niya kay Budong.  “Sa wala akong magustuhan.  Alangan namang pilitin ko ang sarili kong magka-boyfriend just for the sake of it.  Ayoko ng ganon.  Gusto ko kapag sinagot ko ang isang lalaki, kasi gusto ko siya.  At hindi lang dahil naasar lang ako sa inyo kaya pinatulan ko siya.” “Ang dami mo pa kasing arte.  Kung sixteen ka lang, Win, may karapatan ka pang mag-inarte.  Pero kung ganyang magti-treinta ka na, aba, mag-isip-isip ka na, ‘insan.  Sayang, guwapo ka pa naman.” “Oo nga.  At iyang si Tita Luisa ang sign na dapat ay kumilos ka na, Winry.  Dahil kung hindi, mamamatay ka ring mag-isa.” “At hindi nakakatikim ng biyaya ng Diyos sa kababaihan.” “Ano na lang ang sasabihin mo kay Lord kapag nagkausap kayo?  Nasayang lang ang buhay mo dahil wala ka man lang nai-contribute na buhay sa mundo.” “Pero ang pinakamasaklap dun, Win.  Ang mamamatay kang hindi man lang ‘nadidiligan’.  Tuyot.” “Kayo kaya ang patayin ko na ngayon pa lang?” Hindi na maipinta ang mukha niya nang gabing iyon.  Sobra ang pag-asar niya sa walang patumanggang pang-aalaska ng mga ito sa non-existent niyang lovelife.  Kulang na nga lang ay itulak niya ang mga ito sa hukay kasama ng tiyahin nila nang ilibing ito.  But their words struck home.   Wala siyang lovelife.  At mag-isa na lang siya sa buhay dahil yumao na ang kanyang mga magulang dahil sa isang aksidente, tatlong taon pagkatapos niyang maka-graduate sa college.  Wala rin siyang social life dahil mula nang maulila siya, ibinuhos na niya sa pagtatrabaho ang kanyang buong atensyon upang makalimutan nga ang masakit na pangyayaring iyon sa buhay niya.  Ngayon lang naungkat ang tungkol sa bahaging iyon ng buhay niya kaya ngayon lang din niya iyon napagtuunan ng pansin. “Balewala nga lang ba sa akin ang mamatay nang virgin?” tanong niya sa sarili habang pinapanood ang mga naglalambingang butiki sa kisame.  “Mabuti pa ang mga butiking ito, may lovelife na, may sexlife pa.” Gusto niyang tirahin ng goma ang mga imoral na hayop.  Ngunit habang patuloy na pinagmamasdan ang mga ito ay unti-unti na ring luminaw sa isipan niya ang isang katotohanan.   “Ayokong mamatay na virgin!”  Kaya nagpasya na siyang tumayo ng kama. Still on her pajamas, she took her denim jackets and went out to the twenty-four hour coffee shops near her apartment building.  Hanggang ala una lang kasi ang bukas ng kanyang restaurant na katapat lang ng mga establishment na iyon. “Good morning, Ma’m,” nakangiting bati sa kanya ng nasa counter.  “Ano po ang order nila?” “Isang medium café Americana.”  Nakakunot pa rin ang noo niya habang nagbabayad.   Matagal na niyang napapansin na tila hindi normal na ganito ang itsura ng cashier at barista ng café na iyon.  They were all too goodlooking.  Even the one who was tinkering with the music box holding a mop.  Kaya nga ang mga tauhan niya sa kanyang restaurant ay hindi mapakali sa tuwing makikita ang mga lalaking ito na pinaghatian na kung para kanino ang mga ito.   Oh, well, sa hirap nga naman ng buhay ngayon, hindi na dapat namimili pa ng trabaho ang mga tao.  Tulad ng mga taong ito.  Good for them. Lima lamang ang mga customer nang mga oras na iyon.  Ang apat, pareho pang magka-partner na halatang nagpapalipas lang din ng oras doon kaya nakapuwesto siya sa gusto niyang upuan.  Siya ang pang-lima.  At nag-iisa. Nakakasura talaga! reklamo niya sa isip.  Hanggang dito ba naman e inaasar ako ng tadhana?  Tadhana, hoy!  Puwede bang tigilan mo ako?  Por pabor lang po. Pero bakit nga kaya hindi niya magawang magka-interes sa mga lalaki, guwapo man o macho?  Ganito na ba talaga ka-boring ang buhay niya?  Siguro nga dahil imbes na pag-aksayahan pa ng panahon ang mga guwapong lalaki roon ay ang mga magazines, newspapers at makakapal na paperbacks sa estanteng malapit sa kanya ang pinagkaabalahan niya.  Dumampot siya ng makapal na English pocketbook at doon na lang niya ibinuhos ang kanyang atensyon nang dumating ang kanyang in-order dahil hindi naman niya mapilit ang sariling pagpantasyahan ang mga lalaking iyon.  Sabi kasi sa mga naririnig niya, makakatulong ang pagbabasa ng mga boring na libro para ma-induce ang antok.  Pero imbes na antukin ay nabuwisit lang siyang lalo.   “Ang tanga-tanga naman ng babaeng ito,” sambit niya na ang tinutukoy ay ang bidang babae sa nobelang binabasa.  “Sinabi na ngang ayaw sa kanya nung lalaki, habol pa rin nang habol.  Nagpapaka-martir para sa isang gago.  Kung ako ang writer nito, ipinabaril ko na ang babaeng ito.” “Gusto ninyo ng b***l, Ma’m?” nakangiting tanong ng nagdala sa kanya ng order niya.  “Wala kami nun dito.  Karate-hin na lang ninyo, Ma’m.  Mas effective iyon.” “Marunong ka sa martial arts?” “Hindi ho.  Nagsa-suggest lang ako.  Is there anything else you want, Ma’m?  Bukod sa b***l, siyempre.” Hinarap niya ito.  She saw on his nameplate pinned on his shirt that his name was Kristoff. “Nice name,” bati niya rito.  “May girlfriend ka na?” “Meron.”  Isang babae ang sumulpot sa tabi nito at umangkla sa braso nito.  “Ako iyon.  Hi, baby.  Kumusta?  Pa-kiss nga.” Sa malamig na tray lang na dala ng waiter nag-landing ang nguso ng babae.  Pagkatapos ay tinalikuran na sila nito. “Kristoff, my labs, wait up!” habol ng babae rito. “Rachelle Lou, kung hindi mo lang kapangalan ang nanay ko, iginiling na kita at ginawang longganisa.” “You’re so geniuos talaga, Kristoff my labs!” “You’re not my girlfriend so don’t—“ “Huuu!  In denial ka pa rin ba hanggang ngayon?  Ikaw talaga.  Kaya mahal na mahal kita, eh.” Napailing na lang siya.  Bakit ba niya naisipang tanungin pa ang lalaking iyon?  What’s gotten into her?  Hmm, it must be my biological clock ticking.  Pero nakakatuwa rin ang babaeng iyon.  Ang lakas ng fighting spirit.  Ilang beses ng tinanggihan, hayun at naka-angkla pa rin sa braso ng lalaki at patuloy itong kinukulit sa counter.   Ang weird.  Kinokondena niya ang babaeng martir sa binabasa niyang libro pero parang natutuwa naman siya kay Rachelle Lou.  Ang g**o talaga ng mga babaeng inlove kahit kailan.  Siya kaya kailan makikisali sa bandwagon ng mga babaeng nasisiraan ng ulo dahil sa pag-ibig?  It looked kinda interesting.  Would her own love story be as boring as the one she’s reading?  Or would it also be as chaotic as Rachelle Lou and Kristoff’s? Pumailanlang ang makabagbag damdaming kantang Puff the Magic Dragon.  Bumalik ang asar niya sa mundo.  Lalo na nang makisawsaw sa kanta ang sintonadong crew habang nagma-mop ito. “Puff the magic dragon, lived by the sea, frolicked in the autumn mist, in a land called Hana Lee…!” Tila siya man ay gusto na ring maging dragon nang mga sandaling iyon para mabugahan na ng apoy ang sintonadong crew.  Suko na sana siya sa buhay nang magpasya siyang bumalik na sa kanyang apartment tutal naman ay medyo inaantok na siya.  Wala rin naman siyang mapapala kung patuloy niyang iisipin ang miserable estado ng kanyang lovelife.  E sa ayaw talaga ng katauhan niyang ma-inlove, wla na siyang magagawa.  siyang mapadako ang tingin niya sa pinto ng café na iyon.  Tamang-tama ang pagpasok ng isang matangkad na lalaki.  May kausap ito sa cellphone at napatingin din sa kanya bago dumiretso sa counter.  Daig pa niya ang uminom ng isang drum na kape dahil damang-dama niya ang pagkabuhay ng interes niya sa bagong dating. “Jacob, could you please stop singing?” pakiusap nito sa crew na nagma-mop.  “Nasisira ang pag-uusap namin ng kliyente ko.” “Bakit ba pinag-iinitan ninyo ang boses ko?” iritadong baling dito ni Jacob.  “Kung ayaw ninyong marinig ang boses ko, huwag kayo rito.” “Puwede ka namang kumanta.  Huwag nga lang ngayon—hello?  Yes, Mr. Shirota.  I’m still here…I just turned off the annoying radio.  Yes, yes, I’m still interested in our business mergings…” Nakamasid lang siya sa lalaki.  Bawat galaw nito, hindi nakakaligtas sa mga mata niya.  Bawat salita, bawat kibot ng labi, napapansin niya.  Kaya naman nang maka-order ito at mabaling sa kanya ang paningin nito, marahil sa paghahanap ng mauupuan, mabilis niyang ibinaling sa ibagn direksyon ang kanyang mukha.  Baka kasi mahalata nitong sinusundan niya ito ng tingin, kung ano pa ang isipin nito sa kanya.  Kaya naman laking tuwa niya nang makita sa sulok ng kanyang mga mata nang makita itong pumuwesto sa katabi niyang table.  Now she could see him up close.   “I don’t know about that.  I’ll check it as soon as I got the papers.  Thanks again, Mr. Shirota.  Its nice doing business with you as well.  Arigato gozaimasu.” ‘Ganda ng boses, ‘ganda pa ng face.   Napangiti siya nang mangalumbaba habang patuloy itong pinagmamasdan.  Malakas na ang loob niyang pagmasdan ito nang husto dahil abala ito sa pakikipag-usap sa kung sino-sinong kliyente nito sa cellphone nito, base na rin sa mga naririnig niya rito.   Walang girlfriend!  Ohlala!  Sinulyapan din niya ang palasingsingan nito.  walang wedding ring.  Wala ring asawa!   Nasagi niya ang librong hindi na niya pinapansin at bumagsak iyon sa sahig.  Nakita niyang napalingon ito sa kanya at tila kiniliti nang husto ang puso niya nang damputin nito ang libro. “T-thanks.” “You’re welcome.”   Nanlambot ang buong katawan niya nang ngitian siya nito.  Kaya naman muling bumagsak sa sahig ang inabot niyang aklat.  But he just picked it up again as his phone rang.   “T-thank you uli.” “You’re welcome uli.”  He had his attention back to his phone. Madaldal siya.  Pero parang naglaho ang lahat ng katabilan niya nang mga sandaling iyon.  Kunsabagay, hindi rin naman siya magrereklamo kung sakaling hindi na makapagsalita pa.  Just as long as she could watch his face all day long.  But then he had faced her again.  Napabaling tuloy siya nang wala sa oras sa pocketbook.  Ang kaba sa kanyang dibdib ay tila mga sipa ng kabayo.  Sobra. “How was the book?” “Ha?”  Wei!  Ang guwapo talaga! “I said how was the book you’re reading.”  Iminuwestra pa nito ang libro niya sa pamamagitan ng hawak nitong tasa ng mainit na kape. Mukhang tapos na ang mga kumperensiya nito sa cellphone kaya ngayon ay nagre-relax na ito.  “Is it any good?” “Ahm…”  Tungkol saan na nga ba ang kuwento sa librong iyon?  anak ng patis!  Hindi na niya matandaan!  Paano nangyaring basta na lang niya nakalimutan ng ganon ang isang bagay na ilang minuto pa lang naman niyang nagagawa?  O nababasa?  Hindi ito maaari!  Binalikan niya ang mga pahina ng libro upang kahit paano ay may maalala siyang mga eksena o moral lesson man lang sa kanyang binasa.  Pero wala rin iyong silbi.  She just couldn’t get her blasted mind to focus. “Mukhang naiistorbo na kita,” narinig niyang wika nito.  “Pasensiya na.  Sige, maiwan na kita.  Enjoy reading na lang.” “Ha…?” Likod na lang nito ang nakita niya nang mag-angat siya ng mga mata.  May kausap na naman ito sa cellphone nito habang naglalakad patungo sa pinto ng café na iyon. “Teka muna…” mahina niyang tawag dito.  Nagmamakaawa.  “Sandali lang.  Hindi ko pa alam ang pangalan mo.  Hindi mo pa alam ang pangalan ko.”  Tuluyan na itong nakalabas ng establishment na iyon.  Patuloy naman siya sa kanyang kalunos-lunos na pagmo-monologue.  “Puwede ba tayong lumabas minsan?  Kung okay lang sa parents mo.  Friends lang.  Malling…” She never felt this pathetic in her entire life.  Pero kunsabagay, ngayon lang din naman niya naramdaman ang ganitong klase ng damdamin.  Mula sa pagkuha nito ng interes niya, hanggang sa pagwawala ng puso niya.  Isama pa ang kakaibang reaksyon niya rito na halos hindi na siya makapag-isip ng matino, tuloy ay hindi na siya nakasagot sa tanong nito kanina.  Sayang na pagkakataon.  Ngayon na nga lang uli nabuhay ang interes niya sa opposite s*x, bulilyaso pa. Naghintay pa siya ng mga isang oras sa pagbabakasaling bumalik ang lalaki.  Pero hindi na ito nagpakita pa.  Depressed, she just went home.  Ipapa-laminate na lang niya ang boring na libro.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
127.3K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.2K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
956.5K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
68.1K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
426.6K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
440.7K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook