bc

The Hallyu Brothers series 1: Dennis Park (Completed)

book_age16+
1.8K
FOLLOW
5.8K
READ
spy/agent
CEO
K-pop
comedy
sweet
bxg
office/work place
secrets
assistant
seductive
like
intro-logo
Blurb

Dennis Park hired a secretary. Mabait, intelligent, simple, beautiful and sexy. Pero hindi nya alam na may secret agenda pala ang kanyang secretary.

Will that affect his love for her? Or fired her to move on?

chap-preview
Free preview
Chapter One
(GINA JANE CHOI’S POINT OF VIEW) "Miss Choi, aasahan kong magagawa mo ng maayos ang trabaho mo. Siguraduhin mo lang na pulido ang lahat ng plano natin. Kung kailangan mo ng tulong ko, just call me. Goodluck to your mission." Nakangiting sabi ni Madam M. "I will, Madam. Mapagkakatiwalaan nyo po ako sa misyong ito." Pilit akong ngumiti. Papunta ako ngayon sa interview ko sa Hallyu Brothers Empire. I told Madam M that I applied for secretary position. Sya kasi ang nag-push sa akin na mag-apply ako doon. Bilang parte ng aking mission. Ang Hallyu Brothers Empire ay pagmamay-ari ni Mr. Tristan Park, na ngayon ay ang anak nitong lalaki ang nagpapatakbo kasama ang ibang kapatid sa ina. Maraming branches ang company at ito ang pinakasikat na kompanya sa buong pilipinas maging sa ibang bansa. Aside from that, kilala din ang magkakapatid sa showbiz industry. All the information in that company ay aking inalam para sa mission na ito. Nang nasa harap na ako ng building, I took a deep breath bago pumasok. Sobra talaga akong kinakabahan ngayon. I hope it turns out well on what we've planned. (DENNIS PARK’S POINT OF VIEW) I was signing the papers when someone interrupted me. I looked up to see who's that animal. Oh yeah. Right. It's an animal. He smiled at me. "Bakit nandito ka?" I asked in irritated voice. Ibinalik kong muli ang tingin sa mga papel. Ang dami ko pang dapat pirmahan at basahin tapos sisipot itong unggoy na ito. "Kuya, narinig ko na hiring ngayon sa company, looking for a secretary. Pwede bang dito muna ako sa office mo to see those beautiful and sexy applicants?" Spencer wiggled his eyebrows. Sinamaan ko sya ng tingin. Todo ngiti pa ang loko. Akala nya madadaan nya ako sa ngiting unggoy nya. "No." Tipid kong sagot. "Why?!" Pasigaw nyang sabi. "It's private. It's between me and the applicant, Spencer. This is an interview not searching for a girlfriend. You better go home. Daanan mo si Ms. Ramillete. Kunin mo sa kanya ang gift ko for Daddy. Hindi ako makakauwi ng bahay ngayon dahil marami pa akong kailangan tapusin dito sa office." Nakasimangot na naglakad sya papunta sa pintuan. "Kahit kailan talaga Kuya, ang epal mo. Gusto ko lang naman makita yung gagawin mo sa applicant mo. Baka pahirapan mo. Kawawa naman." "Whatever, Monkey. Umalis ka na sa office ko at doon ka maghagilap ng babae sa gubat." Binalik ko ang tingin sa tambak na paperwork sa aking harapan. "Kuya naman eh! Makaalis na nga! Baka kung ano pa sabihin mo." At umalis na sya. Napailing nalang ako. Kapag sinimulan ko na syang tawaging Monkey, sya na ang kusang iiwas sa akin dahil alam nyang aasarin ko sya. Pasaway talaga ang batang ‘yon kahit kailan. Labingtatlo kaming magkakapatid and I'm the eldest, magkakapatid kami sa ina. Hindi ‘yon big issue sa Daddy at tinanggap namin si Mommy dahil kami ang tunay nyang pamilya. Past is past ika nga. Kahit baliktarin pa ang mundo, ina ko sya at hindi ko sya pwedeng itakwil. Kasama sa pagtanggap namin sa kanya ang pagtanggap sa iba ko pang kapatid. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa Mommy ko kung bakit nagawa nyang magtaksil sa Daddy ko ng maraming beses. At maraming beses rin syang tinanggap ng Daddy, martyr yata ang daddy ko. Wala kaming problem sa status ng family namin. Magkakasundo kaming magkakapatid because we treat each other with respect and love. Birthday ngayon ni Daddy pero hindi ako makakauwi. Wrong timing talaga itong mga paperworks. I already informed him na hindi ako makakauwi and he understand. "Ms. Ramillete, papasukin mo na yung first applicant natin." I said over the intercom. "Okay, Sir." Ms. Assyla Ramillete is my secretary and she's pregnant. Kabuwanan na nya next month and she told me na titira na sya with her family sa america for good. Kaya ngayon, maghahanap kami ng kapalit nya. Nag-umpisa na akong mag-interview. So far, wala pa akong nakikitang qualified as my secretary. I hope may mahanap na ako today. I'm freakin' tired. "Sir, last applicant na po natin ito for this day. Papapasukin ko na po." Miss Ramillete said over the intercom. "Okay." Ang sakit na talaga ng ulo ko. (GINA JANE CHOI’S POINT OF VIEW) "Miss Choi, pasok ka na po. Naghihintay na po si Sir sa loob." The secretary said. "Thank you." I smiled. I took a very deep breath para maalis ang kaba ko pero hindi naman effective. Halos maubos ko na siguro ang hangin sa lugar pero hindi pa rin mawala ang kaba ko. Bahala na nga! I knocked on the door. "Come in." Narinig kong sabi inside the room. Ito na talaga! Wala nang atrasan! Push na ‘to! I opened the door and saw a handsome man massaging his head. May headache pa yata. "Please have a sit." He said without looking at me. I sat. Yung kabog ng dibdib ko mas lumalakas. Tinalo pa ang drum roll sa mga contest. Dahil nakayuko sya, hindi ko makita ang mukha nya. Then he looked up. "Oh! Gina, long time no see. How are you?" He said in a surprised voice. Saka nya lang ako napansin ng matapos nyang hilutin yong noo nya. I’m surprised too, to see him here. Sa dami daming lugar, bakit dito pa kami nagkita? Hindi ko maiwasan na may maalalang nakakahiyang tagpo namin dati. "I'm good. Applying for the secretary position." I smiled. "Oh. I see." Nakangiti nyang sabi. Lumabas ang dimple nya. Mas lalo syang gumwapo kapag lumalabas ang dimple nya. And the most irritating part is I'm attracted sa mga taong may dimple! Nakakainis! Hindi ako pwedeng mahumaling sa ngiti nya baka mabulilyaso ang plano namin at malalagot ako kay Madam M. Tinignan nya ang resume ko. Kinakabahan ako at the same time, nahihiya. Parang gusto kong lamunin ako ng lupa. Pero hindi naman yon mangyayari. Hindi naman buhay ang lupa no. Asa pa ako. Sana hindi nya maalala ang nangyari noong mga bata pa kami. Sobrang nakakahiya talaga. I'm happy na kilala nya pa rin ako. Well, sino ba naman ang hindi makakalimot kung may past memories kayo, at hindi yon magandang alaala. Pinakiramdaman ko kung may naaalala sya pero mukhang wala namang nagbago sa pakikitungo nya ngayon sa akin. Di ko din akalain na sa tagal naming hindi nagkita, sobrang gwapo pa rin nya. "Hmm... Very interesting data. You're hired." Tumatango tangong sabi nya habang nakangiti. Lumabas na naman ang cute nyang dimple. "Really? Without any questions?" Confused kong tanong. Usually sa interview, tatanungin ka tungkol sa work experience, your strength and weaknesses, etc. Kaya nakakapagtaka na hindi nya ako tinanong at basta nalang tinanggap sa trabaho. "Yes. No need to question you. Aside from that, I already know you." He directly looked into my eyes. "A-ah. O-okay. Thanks." Nasabi ko nalang. This is awkward. He’s looking at me like he found his missing puzzle. "You can start tomorrow. Welcome to Hallyu Brothers Empire." He offered his right hand for a handshake, tinanggap ko ang pakikipagkamay. Nagulat pa ako sa bahagya nyang pagpisil sa kamay ko. Grabe! Kinabahan pa talaga ako kanina sa lagay na to ha?! Pero nakakakaba talaga. Kasi... I saw him again at ang malala pa doon, everyday ko na syang makikita starting tomorrow. Sana lang talaga lamunin na ako ng lupa, kahit na ano basta lumalamon. Nang nasa labas na ako ng company ay agad kong tinawagan si Madam M. "What happened? Hired ka na ba?" Excited na tanong ni Madam M sa kabilang linya. "Yes, Madam M. Start na po ng work ko tomorrow." "Good. Just don’t forget what we have already planned, alright?" "Yes, Madam M." Then she hanged up. Napabuntong hininga ako. Ang hirap naman nito! But I really have to do my job, I mean my mission. Wala na talagang atrasan to. Just ignore this feeling again. Nakasalalay sa misyon ko ang buhay ko kaya dapat lang na isantabi ko ang nararamdaman ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.7K
bc

CLOSER

read
140.1K
bc

Billionaire's Twins

read
263.3K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.0K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.3K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook