bc

BROKEN WITHOUT YOU

book_age18+
3.3K
FOLLOW
16.8K
READ
possessive
sex
playboy
drama
sweet
bxg
childhood crush
friendship
virgin
like
intro-logo
Blurb

A 31 year old half Flipino and half British Leonhart Carson never imagine that his life would change in just a blink of an eye. He is the drummer of the rock band Buzz Tone, but aside from that he is also known as the certified playboy of their group.

Chill lang naman ang buhay nya sa pagbabanda at wala sa bokabularyo nya ang salitang TRUE LOVE. Para sa kanya ay hindi pa sya handa sa seryosohang relasyon. Magpapakasawa muna sya sa pagiging buhay binata, iyon ang lagi nyang sinasabi sa sarili dahil para sa kanya ay wala pa syang babaeng nakikita na magpapatunay sa kanya ng salitang TRUE LOVE. But one day, bigla na lang syang gugulatin ng tadhana dahil nasa tabi lang pala nya ang babaeng matagal ng hinihintay ng puso nya and that is Sophie Buencamino his BESTFRIEND.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
Walang tigil sa pagpalo ng tambol si Leonhart habang nasa basement ng bahay nya. Nililibang nya ang sarili dahil ayaw nyang indahin ang sakit ng ipin nya. Pilit nyang itinutuon sa pagtatambol ang kirot niyon pero kusa pa ring rumerehistro sa mukha nya ang matinding sakit. Damn! Bakit ba kasi bigla na lang sumakit ang ipin nya? Hindi na nya makayanan ang sakit kaya naman tumayo sya at hinubad ang suot nyang white plain t-shirt. Basang-basa na iyon ng pawis. Pinunasan nya ang mukha at inihagis ang damit sa kung saan. Nagsisimula ng maubos ang pasensya nya pero ayaw nyang pumunta kay Sophie. Sophie is her best friend at isa itong dentista. Matagal na silang magkaibigan dahil magkababata sila at halos sabay na lumaki. Magkapitbahay lang kasi ang mga magulang nila noon. Hanggang sa lumaki sila at umalis na sa poder ng mga ito dahil nasa wastong edad naman na sila. Nagdesisyon sila ni Sophie na magpatayo ng bahay malapit sa isa't isa. Gusto nila na nagkikita pa rin sila palagi, in short magkapitbahay pa rin sila hanggang ngayon. Pinangako nila iyon dati na hindi sila dapat magkalayo kahit na magkaroon na sila ng sari-sariling pamilya. "Oy, anong nangyayari sayo?" Napalingon sya sa nagsalita mula sa likod nya at tumambad sa kanya ang nanunuring mukha ni Draco. May bitbit itong kahon ng cake at inilapag nito iyon sa lamesa. "Bakit ang aga mo? 6:00 pm pa ang call time natin ah?" pilit nyang kinakalma ang sarili sa harap nito pero kumikirot talaga ang ipin nya. "f**k!" he hissed while squirming. Nagtatakha naman syang pinagmadan ni Draco. "Bakit ganyan ang mukha mo? May beke ka ba?" tanong nito sa kanya. "What do you mean by beke?" kunot ang noong tanong nya dito. "Beke sa tagalog at sa ingles naman ay mumps." paliwanag nito. Hindi sya sumagot. Mukha na ba talagang mumps ang nasa pisngi nya? Tsk! Naupo si Draco at binuksan nito ang box ng cake na nakalapag sa lamesa. "Let's eat na lang," anito at kumuha ng pang-slice niyon. Pagbalik nito ay inabutan sya nito ng cake na naka-slice na sa isang platito. Kulang na lang ay paulanan nya ng mura si Draco. Nananadya pa yata ang gagong ito. Namimilipit na nga sya sa sakit ng ipin tapos bibigyan pa sya nito ng cake. "Hindi ba halata na sumasakit ang ipin ko? Nananadya ka pa yata eh!" Sinamaan nya ito ng tingin at hinimas ang pisngi nya. "Oh, sorry naman hindi ko alam." Nagbaba ng tingin si Draco at nagkibit ng balikat sa kanya. "Akala ko kasi beke eh," sabi pa nito. "Bakit ba ang aga mo dito?" inulit nya ang tanong dito kanina. "Naboboring ako sa bahay,” tipid lang na sagot nito sa kanya at sumubo ng cake. "Ayaw mo talaga ng cake?" ulit nito sa tinig na nang-aasar. "What if I punch your face, isn't that a good idea?" sarkastikong sabi nya dito. "Chill! Nagbibiro lang naman ako,” tatawa-tawang sagot nito at itinaas ang dalawang kamay. "Bakit kasi hindi mo pa ipabunot yan kay Doktora Sophie–" "Hell no!" mabilis pa sa alas-kwatro na sagot nya kay Draco. Titiiisin na lang nya ang kirot kaysa ipabunot ang ipin nya. "Pfft! Takot ka sa injection?" namimilog ang mga matang tanong ni Draco sa kanya. Nakangiti ang mga mata nito at siguradong aalaskahin sya nito kapag umamin sya. Totoo kasi na takot sya sa injection. Sa dalas ba naman nyang nakakasama si Sophie at nakikita nya ang mga gamit nito sa clinic eh nagkaroon na yata sya ng phobia. "Tangina! Natatakot ka sa injection pero sa pagpapaburda hindi?" napapantastikuhang ani Draco sa kanya. Puno na kasi ng tattoo ang katawan nya sa likod. Hindi sya takot magpa-tattoo, mas takot syang magpabunot ng ipin at hindi nya rin alam kung bakit. Natawa si Draco sa kanya at umiling-iling. "Pambihira ka talaga Leonhart!" pumapalatak na sabi nito. "Anong gamot pa ba ang pwedeng inumin dito bukod sa mefenamic?" naiiritang tanong nya. "Hindi ko din alam eh. Itanong mo kaya kay Sophie," anito habang nilalantakan pa din ang cake. Naiinis na naman sya. Mas lalong ayaw nyang magtanong sa best friend nya dahil sigurado naman sya na kapag nagtanong sya dito ay pipilitin lang sya nito na ipabunot na ang ipin nyang sumasakit. Naiisip pa lang nya ang bagay na iyon ay napapangiwi na sya. Ipinilig nya ang ulo. "Di bale na lang," sagot nya kay Draco at muling kinuha ang drumsticks nya. Umupo sya at binanatan ulit ang pagpalo roon. Nakaupo lang si Draco habang kain ng kain at wala man lang itong pakialam kahit maingay ang ginagawa nyang pagpalo. Paano sya makakatugtog mamaya kung sumasakit ang ipin nya? Totoo pala ang sinasabi ng iba na di bale ng lagnatin ka na lang kaysa sumakit ang ipin mo, dahil kapag daw ipin ang sumasakit ay lahat apektado. Nararamdaman na nya iyon ngayon kaya iritable sya. Hanggang sa sumapit ang alas-syete ng gabi at papunta na sila sa venue ay tahimik pa din sya sa loob ng van. "Anong nangyari sa bata mo at ang tahimik yata?" puna ni Kalil sa kanya pero si Draco ang kinakausap nito. "May toothache,” tipid na sagot ni Draco. "Bro gusto mong chocolates?" Inalaska pa talaga sya ni Kalil kaya sinamaan nya ito ng tingin. Nakangisi lang ito sa kanya habang nakikipag-ungguyan kay Draco. "Ano ba kasing tinira mo at sumakit ang ipin mo? Nasobrahan ka lang yata sa babae eh,” sabat naman ni Zach. Napabuga na lang sya ng hangin. Ito na nga ba ang sinasabi nya, iritable na nga ang pakiramdam nya inaalaska pa sya ng mga kabanda nya ngayon. "Ipabunot mo na kay Doktora Sophie," sabi ni Roz kaya umasim ang mukha nya. Bakit ba pare-pareho ng suhestiyon ang mga unggoy na ito? Hinding-hindi sya magpapabunot ng ipin kahit anong mangyari. "Sinabi ko na din yan sa kanya kuto pero mukhang takot sa injection si chikboy." Nagtawanan ang mga kabanda nya sa loob. "I have listerine here Leonhart, subukan mo baka sakaling mawala ang kirot," sabi ni Wes mula sa likod. Ito lang yata ang may matinong sinabi sa lahat ng kaibigan nya. Thanks to Wesflo, pero hindi rin nya alam kung tatalab ang listerine sa kanya. Inabot ni Roz sa kanya ang listerine na ibinigay ni Wesflo. Sinubukan nyang magmumog niyon. Malamig-lamig at medyo nababawasan ang sakit. Ipinikit nya ang mga mata habang nasa byahe pa sila. Ayaw nyang pakinggan ang ingay ng mga kabanda nya dahil wala talaga sya sa mood ngayon. "Gisingin mo na lang ako kapag nasa venue na tayo," sabi nya kay Draco at tumango naman ito sa kanya. Tuluyan na syang umidlip sa loob ng sasakyan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.0K
bc

OSCAR

read
226.0K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.3K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.0K
bc

Love Donor

read
86.6K
bc

The Professor's Wife

read
449.0K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook