bc

THE FIRST GUY I'VE NOTICED (A LGBT+ / BXB STORY) COMPLETED

book_age18+
1.8K
FOLLOW
4.9K
READ
independent
brave
inspirational
comedy
sweet
bxb
first love
self discover
like
intro-logo
Blurb

Si Lein isang discret gay na takot mag-out.

At si Rheo ang lalaking na sa unang kita pa lang ni Lein ay umagaw agad sa atensyon niya.

Eh, paano pag nagsama sila sa isang boarding house? Tapos silang dalawa lang din ang magkasama sa iisang kwarto.

Kaya bang 'wag tuluyang bumigay ni Lein at magkukunwari pa ring lalaki? O 'di kaya ay tuluyan nang maglaladlad si Lein at magpapakatotoo sa tunay niyang sexuality?

NOTE: Contains unsuitable themes. Read at your own risk.

chap-preview
Free preview
1 - THAT GUY
LEIN Kakapasok ko lang sa bakuran ng bagong titirhan ko. Bitbit ko na ang mga gamit ko. At ako ang pinaka-bagong boarder sa bahay ni Ate Neth. Umikot agad ang mga mata ko sa paligid. Dalawang palapag iyon at medyo malawak. Boarding house iyon na pawang mga lalaki lang ang mga naka-upa. One week nang nakapag-start ng klase pero ngayon palang ako maglilipat doon. Noong unang linggo ay nag-uuwian ako pero nahirapan lang ako mag-commute araw-araw. Kaya nag-decide ang parents ko na hanapan na lang ako ng pwede kong tirhan na malapit sa university. Pahirapan na maghanap ng matutuluyan sapagkat punuan na ang mga dorm at boarding houses. Mabuti na lamang at may bakante pa silang nahanap. Napansin ko na may ilang kalalakihan ang naka-tambay sa labas. May mga nag-aaral, may mga nanonood at may mga naglalaro ng basketball sa maliit na espasyo kung saan may isang ring na nakasabit sa pader. Maiingay at nag-eenjoy ang mga ito sa nilalaro. Mukhang nasa kalagitnaan ng paglalaro ang mga ito at dikit ang laban base sa naririnig kong bilangan ng mga score. Pustahan yata ang labanan kaya kung gano'n na lang ang determinasyon ng bawat magkakampi na manalo. Nakatayo lang ako sa may gate at hindi pa agad tumuloy sa loob ng boarding house. Napatigil ako at nakinood. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga walang pang-itaas na mga naglalaro. Halos nangingintab ang mga ito sa pawis. Magaganda rin ang mga hubog ng mga katawan. Pero may isang mas umagaw agad ng atensyon ko. Hindi ko pa siya kilala pero sa kanya lang natuon ang mga mata ko. Bawat galaw nito ay sinundan ko nang tingin. Pati pag-dribble at pag-shoot ng bola ay hindi ko pinalampas. Ang galing nito maglaro. Napa-wow ako sa husay nito. Humanga agad ako rito. Tinignan ko ang mukha niya. Nyemas! Ang pogi niya! Nag-ningning agad ang mga mata ko. Jusko! Nagpatuloy lang ako sa panonood sa mga ito. Nag-e-enjoy talaga ako sa tanawin. Kasalukuyang hawak ng bet kong lalaki ang bola. At halos na-flex ang mga muscles nito sa bawat galaw nito. Parang gustong tumulo ng laway ko dahil do'n. "Rheo, pasa mo rito," sigaw ng isa sa kakampi nito. Malinaw ang pagkakarinig ko. "Rheo" pala ang pangalan nito. Lalaking-lalaki. Masaya akong malaman iyon. Effortless! Hindi ko na kailangang magtanong pa. Pinasa nito ang bola sa kasamang tumawag dito. Pero sadyang naging maagap ang kalaban nila at natapal iyon. Lumayo ang bola at napunta sa gawi ko. Nasapol ako sa pisngi. Natumba ako at bumulagta dahil do'n. Nahilo yata ako dahil sa lakas nang pagkakatama sa akin ng bola. Umikot agad ang paningin ko. Dilat ang mga mata ko at marami akong nakikitang mga mukha na nakatunghay sa akin. Hanggang sa luminaw ang nakikita ko. "Okay ka lang?" tanong ng isa sa mga lalaking nakatingin sa akin. Parang nawala ang pagkahilo ko dahil sa mukhang nakatingin sa mukha ko. Si Rheo! Hindi ako sumagot sa halip ay sinalubong ko ang tingin niya. Nagtama ang mga mata namin. Ang pogi talaga niya lalo sa malapitan. Makinis na balat. Matangos na ilong. Mapupungay na mata. Mahahaba rin ang pilik mata nito. In short ang perfect ng mukha nito. Juskolord! Parang ayaw ko nang pumikit 'pag gano'n ang makikita ko palagi. Hinaplos niya pa ang pisngi ko na lalo kong lihim na ikina-kilig. Hindi ko inaasahan iyon na gagawin niya. ' 'Pag sinuswerte ka nga naman. May pahaplos agad. Enebe! Inalalayan niya akong bumangon. Napalingon ito nang may ini-abot ang kasama nito sa kanya. Isang ice pack iyon na may yelo. Agad nitong idinikit iyon sa pisngi ko. Napa-iwas pa ako nang maramdaman ko ang lamig niyon. "'Wag ka masyadong gumalaw," sabi nito sa akin at hinawakan pa nito ang braso ko para 'di ako makagalaw. Sumunod ako. Tahimik lang ako habang nakatingin sa kanya. Habang nasa pisngi ko ang kamay nitong may hawak na ice pack. Hindi ko talaga inaalis ang tingin ko sa kanya. Parang tumigil ang oras at lahat ay nagslow-mo ng mga sandaling iyon. Labis talaga akong kinilig sa ginagawa nito. Naramdaman kong dumiin ang ice pack na hawak nito. Mukhang sinadya talaga nito iyon. Muling bumalik at napatigil ako sa iniisip ko. Nasira bigla ang romantic moment na iyon sa pagitan naming dalawa. "Ay pucha!" Napamura ako ng mahina dahil sa ginawa nito. "Anong sabi mo?" seryoso nitong tanong. "Huh? Wala. Sabi ko masakit," pagsisinungaling ko. Buti na lang at hindi nito masyado narinig ang nasabi ko. Nagmumura talaga ako at natural kong expression iyon. Binitawan na nito ang ice pack na hawak at binigay sa akin. "Ilagay mo lang 'yang ice. Para mawala at hindi mamaga 'yang pisngi mo." "Salamat," nasaad ko na lang. "Next time matuto kang umiwas 'pag alam mo at makikita mong tatamaan ka na," sabi pa nito sa akin saka tuluyang lumayo at bumalik sa mga kasama. Nagpatuloy ang mga itong naglaro. Napilitan akong tumayo habang sapo ang ice pack sa pisngi ko. Napatingin pa ako rito. Lihim na natuwa ang puso ko dahil do'n. Hindi ko ine-expect na magiging concern at mabait ito sa akin. At talagang ito pa ang naglagay ng ice pack sa pisngi ko. Na-touch naman ako dahil do'n. Napaka-gentleman naman pala nito. Kahit hindi naman nito kasalanan na tamaan ako ng bola. Kung tutuusin ay hindi naman sadya na mapunta ang bola banda sa akin. Ako talaga ang may kasalanan. Hindi agad ako umiwas kahit alam kong tatamaan na ako. May pagkalampa lang talaga ako sa part na 'yon kaya ako nasapol. But still nag-alala pa rin ito sa akin. Nag-abala pa itong nagpakuha ng yelo para may mailagay sa pisngi ko. Malamang kung ibang tao iyon ay baka walang gano'n at baka naka-bulagta pa rin ako. Masaya talaga akong ginawa nito iyon para sa akin. Lalo pa tuloy akong humanga sa kanya. Napangiti na lamang ako nang makita kong tumira ito ng bola at pumasok iyon sa ring. Kinuha ko na ang mga bitbit kong gamit para pumasok sa loob. Kailangan ko pang makausap si Ate Neth na siyang tumatayong landlady. Hindi ko pa alam kung saan ang magiging kwarto ko at kung sino ang makakasama ko roon. Sana lang ay okay ang kasama ko sa kwarto. Ayoko pa naman ang magulo. At sana si Rheo na lang. Sana!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
618.3K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
272.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

OSCAR

read
226.2K
bc

His Precious Property

read
613.7K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.2K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook