bc

The Runaway Princess (Filipino)

book_age4+
2.8K
FOLLOW
8.6K
READ
others
independent
royalty/noble
mystery
nerd
magical world
friendship
special ability
like
intro-logo
Blurb

Rain is a Half dark magic & light magic. She know that she can control all the elements. Being rejected from her family doesn't help her anything as they blamed her for their's grandfather's death. So, she RANAWAY. (FILIPINO)

chap-preview
Free preview
1
Rain Joy's POV Growing up in a royal family doesn't mean na masaya. Well, sino bang sasayang kung ayaw ng nila sayo? Bakit kamo? Dahil may itim na mahika ang dugo ko. Ako si Rain Joy Manzano. Inabanduna ko na ang pagiging prinsesa sa hindi ko na gusto ang malungkot na buhay ko sa palasyo. Bata pa lang ako. Minulat ko na ang aking sarili na hindi ako magugustuhan ng kapatid ko lalo na ng magulang ko dahil sa kakaibang dugo ko. Kung hindi dahil sa tulong ng aking nanny baka siguro nandoon pa ako. Buti na lang mababait ang kumupkop sakin. "Rain! Akin na yan!" Sabi ng isang babaeng boses. Tumawa ako ng malakas. Grabe mawawala lungkot mo sa babaeng ito. Paano ba naman kasi laging may dalang salamin at lagi na lang doon natingin tapos nag make face siya. Kaasar e. "Ito na!" Huminto ako at binigay sa kanya ang salamin niyang parang oblong na may hawakan syempre. "Hmmp! Kainis ka talaga Rain kita mo naman nag sasalamin ako eh." Sabi niya at ngumuso siya. Inirapan ko lang siya. "Nagsasalamin. Halos oras oras mo nang hawak eh!" Asar kong sabi sa kanya. She looked at me and she rolled her eyes on me. Feeling maganda. "Maganda ako. Kaya tama lang na tignan ko sarili ko." Huh? Ano daw? "Ikaw kasi dyosa ka na hindi katulad ko. Maganda lang." Habol niya. Tinawanan ko lang siya. "Asaan nga pala sila Mama at Papa, Rain?" Tanong niya. Tanungan ba ko ng nawawalang tao? Joke! "Sabi ni Tita at Tito ay may pupuntahan lang." Sabi ko at kinamot ko ang ulo ko dahil hindi naman nila sinabi. "Edi wow!" she said. "Tara na nga magluto na tayo ng tanghalian para kakain lang tayo pag dating nila.”Sabi ko at tumayo at pumunta sa kusina. Naramdaman ko na sumunod siya. - "Mag-eenroll kayo sa Rainbow academy sa Linggo", Napatigil kami sa pagsubo ni bea ng magsalita si tita. Hindi nga? "Yey! Mag aaral na tayo doon! Oo nga pala no? 17 na pala tayo kaya oras na!" Sabi niya. Hindi naman halatang excited siya no? "Oo nga para naman mas lumakas ang kapangyarihan niyo diba hon?" sabi ni Tita. ngumiti naman si tito ng nakakaloko. "Yes hon. Para masalo din kita at makagawa na tayo ng bago." bulong ni tito kay tita gamit ang nakakaakit 'daw' na boses at rinig naman namin yon. Napapoker face naman ako. Namula naman si tita at napatawa ng malakas si bea. Malandi talaga si Tito. Joke! Haha. Baka palayasin ako niyan. "Yes tita. Para naman matanggal sa kanya yung salamin niya!" Napasimangot naman si bea at napatawa kami ng sobrang lakas sa sinabi ko. "Hahahahaha!" tumawa kaming tatlo sa kanya. Napangiti na lang ako habang nakikita ko silang natawa at masaya kaming kumakain. Sana ganto na lang lagi yung walang lungkot at problema pero alam natin na kahit anong gawin natin, may hahadlang at hahadlang sa lahat dahil sa mundo na 'to ay hindi pantay pantay. The world can't be perfect. Alam ko naman na hindi ko sila pwedeng taguan habang buhay. Kaya habang maaga pa kailangan ko maging handa para kapag nangyari iyon, malakas na ko. Kaya ko na sila. Hindi na ko magpapaapi at ako at lalaban na. "Rain? Natahimik ka?" Tanong ni Tita sakin. Umiling lang ako sa kanya at pilit na ngumiti bago kumain. Perpekto na ang buhay ko dito kaya gagawin ko ang lahat para protektahan sila dahil sila ang naging 'pamilya' ko na simula nung lumayas ako sa palasyo at hinding hindi ko sila basta basta ipagpapalit. Bea Nicole's POV "Bilis! Ligo na RJ! Bibili pa tayo ng kailangan natin! Bili!" excited na sabi ko at niyugyog siya sa pagkakagising. "Hmmm... 5 minutes pa. Inaantok pa ko." Sabi niya at tinapik ang kamay ko at nagtalukbong ng kumot. Inirapan ko siya at inalog-alog pero ayaw niya pa rin. 8 AM na kaya. Bakit ayaw mo pang kumilos? Gising na! Napangisi ako ng may naisip akong kalokohan. Hahaha. Ako nga pala si Bea Nicole Blade. 17 years old na ako at nabubuhay kasama ang aking magulang at si Rain Joy Castine Shepherd. Ang taray ng full name. Ang haba. Sarap kainin. Alam namin ang lahat sa kanya na princess siya at Half Dark siya. Pero hindi kami natakot dahil si Mama ay may ability na nakikita kung mabuti ang loob ng tao. Hindi ko mapigilan mapangiti ng naalala ko ang pag kikita namin. Akala ko may hindi makabasag plato ang akto niya non. -Flashback- Naglalakad ako papuntang palengke ng may nakita ako isang cute na pusa na may white ang balahibo at may itim itim. Hahawakan ko na sana yon ng nahagip ng mata ko ang babae na tumatakbo at napasinghap ako ng nakuha niya ang pusa. Hala! “Excuse me?" mataray kong saad. Habang tinitignan siyang hinihimas ang pusa. She seems innocent. "Dadaan ka?" Innocent niyang tanong. Napafacepalm ako sa sagot niya. Slow. Akala ko mataray. Hindi pala. Medyo shunga. Parehas kaming nagulat ng may sumigaw na lalaki. Si Prince Sean at may kasama siyang kawal. “Please! Isama mo ko sa inyo. Tumakas ako sa palasyo. Mamaya ko na lang ipapaliwanag." sabi niya. At bigla niya ko kinaladkad. Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko maprocess ang sinasabi niya. Paano kung takas preso pala ito? Pero mukhang hindi naman dahil sa galaw niya. "Paano mo-" she cut my words. Paano mo nalaman bahay namin?! "Bilis! Sasabihin ko sayo basta pwede makitira. Babayaran ko na lang ang renta." she said at tumawa ng peke. Bago pako makasagot ay hinila na niya ko papasok at nakita namin si Mama na nag aayos ng lamesa. Uh oh lagot. "At bakit hindi ka nakabili ng pinapabili ko sa iyo?" Sabi niya at tinaas ako ng kilay ni mama. “Ako po ang may kasalanan kung bakit. Pasensiya na po.” Paliwanag niya. Sana naman maniwala si Mama. Please. Napatingin sa kanya si mama at gulat na gulat sa kanya. "Princess Rain?!" She said na parang hindi makapaniwala . Wait. Ano?! Prinsesa siya?! "PRINCESS?!! " Gulat kong sabi at tinuro yung babae. "Ikaw po ba si Ms.Blade?" sabi ng Princess daw. Parang hindi naman. “Opo. Mahal na prinsesa at hinabilin ka na rin ni Angie sakin." Sabi ni mama. Natatanga ako sa nangyayari. "Huwag na po kayo maging pormal RJ or Rain po. Hehe.” Sabi niya. Natawa naman si Mama. "Oh sige! RJ. Nakwento na rin ni Mareng Angie ang nangyari sayo. Buti naman naisipan mong tumakas." concern na sabi ni mama. Hindi ko talaga sila magets. Anong tumakas?! "Parang wala yata ako ditto." Pagpaparinig ko at napatingin naman sila sakin parehas at napatawa ng mahina si mama. "So…bali dito ka muna Hija sabi ni Mareng Angie at otuturing ka namin na parang pamilya." sabi ni mama. Nakita kong nagteared eye si Princess daw. Nilagay ko ang dala kong basket sa lapag bago mag crossarm sa kanila. Kailangan kong malaman kung anong nangyayari! "Pwede bang pakiexplain sakin ang nangyayari? Love you mama ha.” I said sarcastically. Tumingin naman sakin si Mama. "Ay! Sorry anak. Siya si Princess Rain Joy or RJ. Siya ang Anak ng Reyna at Dark King." panimula ni mama. "You mean..." Siya? "Oo! Nagbunga yon. Kaya sa kanya binubuhos ang lahat ng galit sa kanya ang magulang except sa kanyang Lolo na wala na." malungkot na sabi ni mama. Habang si RJ ay nakatungo. Nakakaawa siya. Wala siyang malay sa nangyayari. Tapos sa kanya agad nasisi lahat. Kung ako naging siya. I will do the very same thing. Hay! Tumango na lang ako at ngumiti kay Rj. "Hi! Ako si Bea Nicole Blade simula ngayon ay kapatid na kita o pwede ding tropa." Sabi ko at niyakap siya. Natawa naman siya sa sinabi ko. "Rain Joy Castine Shepherd. RJ na lang o Rain." Sabi niya. "Sige tara. May isa pa ditong kwarto. " Tumingin ako kay mom na nakangiti samin. Dahil ay nakipagsocial na ko. I’m anti social kasi e. Medyo lang. "Mom. Samahan ko na siya ha?" ngumiti lang si mom at tumango. “Alagaan mo siya anak. Pagpalitin mo na rin ng damit ha.” Pahabol niyang request sakin. "Omy! Tara na bilis mag kalapit lang naman ang kwarto natin. Hehe." sabi ko at Hinila siya pataas ng hagdanan. Hindi kami mayaman pero 3 floor ang bahay namin. Hehe. Kumbaga may kaya lang. Nakakain 3 times a day ganun. -End of Flashback- At simula ng araw na yon ay maging mas maingay pa ang bahay namin dahil masayahin siya. Kahit na cold ang ugali niya sa ibang tao pero samin? Masayahin siya. Nalabas ang tunay niyang ugali. Hindi ko nga mapigilan humanga sa kanya dahil natiis niya ang pakikitungo sa kanya ng pamilya niya. May mga tao talagang matitibay ano? Minsan iniisip ko na sana ay kasing lakas ko siya. Naiinis din ako sa kanila dahil wala siyang kasalanan dahil lang doon? Alam naman namin na malaki ang galit nila sa dark king pero hindi sapat na dahilan para ganon ang trato nila sa kanya. Hindi diba? Wala naman siyang muwang ng nabuntis ng dark king ang reyna. Napailing na lang ako dahil hindi sila nag iisip. Tsk! Bakit pa kasi ganoon nangyari? "Mukha kang tanga diyan." Sabi ng isang boses. Nagulat ako sa nagsalita kaya nalaglag ako. "Aww! Bakit ka kasi nang gugulat ha?!" sigaw ko sa kanya habang hawak ko ang pwet ko. Napakasakit ng pwet ko. "Tumayo ka na nga diyan!" tumingin ako sa relo ko. "Hoy! Bilis 10 minutes na pala! Bilis tara!!" Tinulak ko siya papuntang banyo habang siya ay natatawa. "Hahaha. Ito na nga oh! Excited e." Sabi niya at tumawa hanggang tuluyang makapasok sa banyo. Napailing na lang ako. Hindi naman siya ganoon kabilis kumilos.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
325.6K
bc

The Sex Web

read
127.4K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Just A Taste (SPG)

read
889.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.0K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
888.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook