bc

Stallion #10: RODJAN STA. MARIA

book_age0+
2.6K
FOLLOW
12.2K
READ
opposites attract
arrogant
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Sonja was a writer. Rodjan was a painter.

Parehong artists pero imbes na magkasundo, lagi pa silang nagbabanggaan. Hanggang sa mapasok sa usapan ang Stallion Riding Club, ang elite club na pangarap mapasok ni Sonja.

“You’re plain and ordinary,” wika ni Rodjan. “No one would look at a woman like you, twice.”

“You’re ugly and you’re dirty. Sino ang mabubuhayan ng hasang sa iyo?”

Pero iba ang nangyari nang magkita silang muli sa naturang club. Rodjan was now one of the most handsome members Sonja had ever seen. And she couldn’t help but fell for him.

“Stay away from me,” deklara ng binata sa harap niya.

“You wanted me to stay away from you. Pero ikaw naman ang laging lumalapit sa akin.”

Sino kaya sa kanila ang may problema?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
KAKAMOT-KAMOT NG magulong buhok si Sonja nang lumabas siya ng kanyang silid.  Buong araw na siyang natutulog dahil nga sa gabi siya nagsusulat ng kanyang mga obrang nobela.  Mas prefer niya ang ganong oras dahil mas relaxed ang sistema niya at mas tahimik ang paligid. Mas nakakapag-concentrate siya nang maayos sa kanyang mga isinusulat na kuwento. Mag-a-ala sais na ng hapon ngayon. As usual. Normally, kapag ganong oras ay nanonood na ng balita sa telebisyon ang mga tao sa Pilipinas.  Pero siguro, pamilya sila ng mga may konting saltik sa utak kaya imbes na problema ng bansa ang pinagkakaabalahang panuorin ng kanyang ina at mga nakababatang kapatid ay pagbi-videoke ang inaatupag ng mga ito.  Habang ang kanyang ama, na nasabak na naman siguro sa inuman ng mga ‘friends’ nito, hayun at lasing na lasing na nagmo-monologue sa likuran ng sofa kung saan nakasalampak naman ang nanay at mga kapatid niya. “Alsado na ako!  Tandaan ninyo, balang araw…balang araw!” litanya ng kanyang ama na walang tigil sa pagparoon at parito. Napahinto sa pagkanta ang mga kapatid niya.  Pansamantalang pinatay din ng mga ito ang family favorite na Magic Sing.  May pagka-sensitive kasi ang kanilang ama kapag ganitong nalalasing ito.   “Akala nyo kung shino kayo, ha?” patuloy ng kanyang ama na tila sinapian na ng isang pulitiko sa paghampas-hampas ng kamay nito sa hangin.  “Por que matanda na ako, gaganyan-ganyanin na ninyo ako.  Abah, abah, abah!  Hindi pa ako matanda!  Kaya ko pa kayo balian ng mga buto, mga bata kayo!  Alshado na ako!  Sabi nga ng kumpare kong si Ep-PJ, kapag puno na ang shalop, kailangan na kalushin!” Nagtungo si Sonja sa kusina upang kumuha ng maiinom.  Mula roon ay dinig na dinig pa rin niya ang pagmo-monologue ng ama. “Pashko…New Year…doon tayo magkakaalaman kung magkakashama pa tayo…Tandaan nyo!  Alshado na ako!” “Oo na, ‘Tay,” narinig niyang wika ng sumunod sa kanya na si Sandra.  Ito na ang tumatayong ate kapag nagkakampo siya sa kanyang silid sa tuwing nagsusulat siya ng mga nobela.  Graduating na ito sa college.  “Naiintindihan na namin kayo kaya huwag na kayong sumigaw.  Nakakahiya sa mga kapitbahay natin, eh.” “Oo nga, ‘Tay,” singit ng pangatlo sa kanilang at bunso sa kanilang magkakapatid na si Sharon.  “Baka isipin ng mga tao, minamaltrato namin kayo rito.” “Rogelio, gusto mo bang kumain?  Kape, gusto mo?” “Hindi!  Ayoko!  Hindi ninyo na ako ginagalang!  Wala kayong pakialam sha akin!  Palibhasa mga nakapag-aral na kayo kaya kung tingnan ninyo ako, ganyan lang kaliit!  Nagshasawa na ako sa mga pagtrato nyo sha akin…” Matapos uminom ay sinilip na ni Sonja ang mga kaganapan sa sala.  Ganon pa rin ang eksena.  Nagtutumpukan pa rin ang mga kapatid niya at ina sa sofa habang patagong nagbubuklat ng song book ng Magic Sing.  Samantalang ang kanyang ama ay mabuway na nagpapabalik-balik lang sa harapan na ng mga ito at naglilitanya pa rin sa hangin.  Napailing na lang si Sonja.  Hindi na nila sineryoso ang dramang ito ng kanyang ama dahil sanay na sila at nagsasawa na sa paulit-ulit nitong mga linya kapag nalalasing. “Alsado na ako,” pabulong niyang pagsabay sa sinasabi ng ama.  “Hindi na ninyo ako iginalang.  Mga wala kayong kuwenta.  Tandaan ninyo ito, balang araw…balang araw…!” “Oo na,” pakikisakay na lang ng kanyang ina.  “Marami na kaming kasalanan at kailangan na kaming kalusin.  Kaya magpahinga ka na.  Siguradong inaantok ka na.”  Her mother leaned over to her sister.  “Meron bang Sharon Cuneta diyan?” Napangiti na lang si Sonja.  She just loves this family.  Kapos man sila minsan sa ilang mga materyal na bagay, pero never silang naubusan ng mapagkakatuwaan sa buhay.  There’s no doubt now on where she got her sense of humor that she put on most of her novels. Napagod na rin marahil ang kanyang ama kaya naupo na ito sa pang-isahang sofa.  O kaya naman, tuluyan ng tumalab ang epekto ng alak dito.  Ilang sandali pa, naghihilik na ito.  Her mom got up and went to their room to get a blanket, like she always do whenever her father got drunk and never made it to their room.  Nilapitan niya ang mga kapatid.   “Tirador talaga kayo ng Magic Sing, ano?” aniya sa mga ito.  “Kahit ang drama ni tatay hindi umubra sa inyo.” “Sus, nagsalita ang mabait.  Gawain mo rin naman iyon, Ate.” “Oo nga pala, Ate.  May iniwang sulat sa iyo si Tatay.  Ikaw kasi ang napag-trip-an niya ngayon na sermunan.”  May dinampot na kapirasong papel sa mesita si Sandra.  “Hayan, kasulatan na nagpapatunay na alam niya ang kanyang mga sinasabi.  Na hindi raw siya lasing.  May pirma pa nga niya iyan.” “Sabi ko nga ipapa-notaryo ba namin iyan?” Sinipat niya ang papel.  Kinusot-kusot pa niya ang kanyang mga mata para lang masigurong hindi siya nagkakamali ng binabasa.  Inilayo at inilapit pa niya ang papel. “Malabo lang ba ang mga mata ko sa maghapong pagtulog o talagang parang kinalahig lang ng manok ang sulat na ito ni Tatay?” “Parang kinalahig talaga iyan ng manok,” sabay na tugon ng dalawa.  “Itong All This Time, Ate Sandy.  Paborito ito ng barkada namin kapag nagbi-videoke kami sa labas.” Ilang sandali pa ay maririnig na ang maririnig na ang atungal ng kanyang mga kapatid.  Pakiramdam ni Sonja ay pinukpok siya ng sandok sa ulo nang kumirot ang kanyang sintido.  Pambihira talaga ang talent sa pagkanta ng mga kapatid niyang ito.  Hindi pumapalya na bigyan siya ng sakit ng ulo sa tuwing maririnig niya ang mga itong bumibirit ng All This Time.  Kaya bago pa siya masiraan ng bait, bumalik na lang siya sa kanyang kuwarto. “O, Sonja, matutulog ka na naman?” tanong ng kanyang ina nang makasalubong ito.  “Kumain ka kaya muna?  Hindi ka pa nanananghalian, ah.  Anong oras na.” “Maliligo lang ako, ‘Nay.  Lalabas din ako para kumain.” “Sige. Ipapa-init ko na lang kay Sandra ang ulam.” “Huwag na, ‘Nay. Ako na lang mamaya. Baka kung ano pa ang mangyari sa ulam ko kapag naistorbo si Sandy sa pagngawa nya sa videoke.” “Pukpukin ko siya ng mic.” nagtungo na ang ina pabalik sa sala habang tinatawag ang nakababang kapatid. Iiling-iling na lang na bumalik sa kuwarto si Sonja para maghanda sa pagligo. Ngayong nakabawi na siya ng tulog, mas na-appreciate niya ang pagbababad sa banyo kaya inabot siguro siya ng halos isang oras doon. Pagkatapos maligo, nagtungo na siya sa kusina para maghapunan. Maaga talagang nagluluto ang kanyang ina kapag ganitong araw ng Sabado para walang istorbo sa karaoke session ng mga ito sa hapon. Mag-anak sila ng mga talented na tao, ‘yun nga lang, sa academic lang.  Pagdating sa pagkanta, wala silang kapag-a-pag-sa.  Ewan nga ba niya kung bakit naisipan pang magpabili ng Magic Sing Videoke ang mga ito.  Oh, well, libangan na lang siguro talaga ng mga ito.  Siya man kasi ay nakikipag-agawan sa microphone kapag trip niyang bumirit.   But not tonight.  Kahit ang boses ng mga kaanak niya ay hindi niya type marinig kaya pagkatapos kumain ay nagpaalam na siya sa kanyang ina. “Tatambay lang muna ako sa paborito kong tambayan, ‘Nay.  Mag-iisip.” “Hindi ka kaya maloka niyan, anak?  Aba’y wala ka ng ginawa kundi ang mag-isip at magsulat, ah.” “Okay lang iyon, ‘Nay.  Paki-confine na lang ako sa Mental kapag tuluyan na akong nabuang.”  Binato niya ng throw pillow si Sharon nang itodo nito ang pagbirit sa pinakamataas na tono.  “Hoy!  Malayo pa ang Semana Santa!” “Ate, ang epal mo talaga.  Kung naiinggit ka sa golden voice ko, mainggit ka na lang at huwag mo ng sirain ang mood ko.”  Ipinagpatuloy nito ang makabagbag-damdaming pag-atungal.  “All this time!...On and on I’ve no regrets!...the sun still shines, the sun still sets…and the hearst forgives, the hearts forgets…” “’Nay, hindi ako maloloka sa pag-iisip. Dito sa mga napaka-sintonado kong mga kapatid ako masisiraan ng bait.” Lalo pang inilakas ni Sharon ang pagkanta para asarin siya. “Kapag nagising si Tatay, patulugin nyo ulet iyan, ha? Kung ayaw nyong mabingi sa pag-quote nya sa kumpare nyang si Ep-PJ.” Hindi siya pinansin ng mga kapatid. Binalingan na lang ni Sonja ang ina. “Huwag na ninyong ikandado ang gate, ‘Nay. Maaga naman akong uuwi.” “Ate, kapag may na-spot-an kang guwapo sa Café Bonita, I-uwi mo na rito, ha?” singit ni Sandra.  “Okay lang sa amin iyon basta guwapo, matalino, mabait at mayaman.” “’Te, idamay mo na rin kami sa mga pangarap mo,” dugtong ni Sharon. “Gusto ko rin ng dyowa na guwapo, matalino, mabait at mayaman.” “Pangarap kong manahimik kayo at nang hindi na maistorbo si Tatay sa pagtulog niya.” Sandra and Sharon just both lowered down their voices as they continued to sing their favorite song. “Anak nyo ba talaga ang mga iyan, ‘Nay?” Tumawa lang ang kanyang ina at nakisali na rin sa pagbirit sa videoke. Iiling-iling na lang na lumabas ng bahay si Sonja. Mabuti na lang at tulog mantika ang tatay nila kapag nalalasing. Kahit itapat pa ang speaker sa tabi nito ay hindi ito magigising. Huwag lang sana itong magkaroon ng masamang panaginip dahil sa pagngawa ng pinakamamahal nitong asawa at mga anak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.0K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.0K
bc

Stubborn Love

read
98.7K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
533.5K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.0K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook