bc

True Colors (Tagalog) [Boyxboy]

book_age16+
1.4K
FOLLOW
11.7K
READ
forbidden
family
brave
self-improved
drama
sweet
bxb
heavy
like
intro-logo
Blurb

Si Enrico Sebastian Enrile ay tagong bakla dahil sa amang dating sundalo na gusto siyang sumunod sa yapak nito. Ngunit mapaglaro ang tadhana sakanya dahil ang sekretong tinago niya sa matagal na panahon ay malalaman sa isang pagkakataon. Ano kaya ang gagawin ng kaniyang ama? Matatanggap ba niya ang anak at susuportahan sa kung anong gusto nito?

Si Tristan Kurt Romero ay sunod-sunuran sa ama. Gusto rin nitong sumunod siya sa yapak ng ama. Pero ang hindi niya nagustuhan ay ang pagpapakasal niya sa babaeng hindi naman niya gusto. Dahil naniniwala siya na ang tanging pakakasalan niya ay ang taong mamahalin ng kanyang puso at hindi ang idinidikta ng iba. Magrerebelde at tatakbuhan ang nakatakdang pagpapakasal niya.

Ang dalawang taong ito ay pagtatagpuin. Magiging sandalan ang isa't isa dahil sa parehong problemang dinadala. Mag-iibigan, ngunit pag-ibig din kaya ang sisira sa kanila o ang problemang tinakasang ng isa sa kanila?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
ENRICO Iminulat ko ang mata ko pagtunog pa lang ng alarm clock sa mesa malapit sa aking kama. Bumangon ako at dumiretso na sa banyo upang maghilamos na para mahimasmasan. Mabilis naman akong kumilos papalabas upang maghanap ng maisusuot. Kumuha ako ng running shorts at t-shirt. Kinuha ko rin ang rubber shoes ko at isinuot iyon. Lumabas ako sa aking kuwarto at bumungad sa akin ang aking ama na ngayon ay nakasuot na rin ng damit pang takbo. “Bakit ang bagal mong kumilos? Lalaki ka ba talaga?” galit nitong sabi at tinalikuran na ako. Hindi ko na lang siya sinagot dahil kapag nagsalita pa ako ay baka kung ano na naman ang sasabihin nito sa akin. Malaki ang takot ko sa kanya dahil dati siyang sundalo. Lahat ng gustong ipagawa nito sa akin ay kanyang nakukuha, katulad na lang ang pagsali ko sa basketball team noong high school kahit na ang gusto ko ay ang volleyball. “Bilisan mong kumilos, Rico. Para ‘di ka mapag-iwanan. Ang mga katulad nating lalaki ay hindi dapat lalampa-lampa,” ang turan nito sa akin at nagsimula na sa pagtakbo. Ito na siguro ang routine ko, kami ni Papa araw-araw. Ang pagjogging tuwing umaga upang mapanatiling fit ang katawan at manly, ayon sa kanya. Sinundan ko na ‘to sa pagtakbo, ngunit hindi ako sumabay sa kanya. Nagulat naman ako nang may sumabay sa akin sa pagtakbo. “Good morning, best friend.” “Good morning, Pit,” ngumiti naman ako. “Kamusta ang pagpapanggap?” ang tanong niya. Tumigil naman ako at bumuntong-hininga. Tumingin ako kay Papa na nasa malayo na at patuloy sa pagtakbo. Tumingin naman ako pabalik kay Peter na tumigil rin. “Katulad pa rin ng dati, Pit. Todo ingat lang ako para hindi niya mahalata,” ang sagot ko sa kanya. Tinutukoy nito ang kasarian ko na matagal ko ng itinatago. Simula nang malaman ko ang pagiging bakla ay itinago ko ‘to sa akin ama dahil sa dati siyang sundalo at ayaw niya sa mga katulad ko. Ang mga bakla raw kasi ay palaging hinuhusgahan ng mga tao at hindi nababagay sa mundo dahil babae at lalaki ang tanging ginawa ng diyos. Sadyang sarado lang ang isipan ni Papa, kaya takot akong sabihin sa kanya ang totoo. Ang mga taong katulad lang ni Pit at ni Mama ang may alam nito. “Bakit hindi ka na lang mag-out? Alam kong doon ka sasaya. Huwag mo ipilit ang mga bagay na hindi mo naman gusto para lang matanggap ka ng Papa mo.” Tama naman siya. Hindi ako masaya na nagtatago ako, pero hindi gano’n kadaling mag-out bilang isang bakla. Lalo na ang panahon ngayon ay hindi pa gaanong tanggap ang mga katulad ko sa ikatlong kasarian. Puro panghuhusga ang natatanggap nila kaya ‘yon din ang dahilan kung bakit ayaw ko munang mag-out. Mag-iipon muna ako ng lakas ng loob nang sa gano’n ay handa ako sa mga bagay sa hinaharap. “Sana ay gano’n kadali ang sabihin kay Papa ang totoo nang sa gano’n ay malaya akong gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin,” ang sabi ko. Nagpatuloy na ako sa pagtakbo ay sumunod naman ito sa akin. “Katulad ng ano, Rico?” ang tanong niya ng maabutan ako nito. “Katulad ng magmahal,” sagot ko sakanya. “Huwag kang mag-aalala kapag kailangan mo ng aking tulong ay mabilis kitang sasaklolohan,” aniya kaya napangiti naman ako dahil doon. Simula nang maging magkaibigan kami ni Peter ay siya na rin ang napagsasabihan ko ng problema bukod sa aking ina. Hindi naman lingid sa kaalaman nito ang aking kasarian dahil no’ng high school pa lang kami ay kinompronta na niya ako. Wala naman akong nagawa kundi ang sabihin ang totoo. Tanggap niya ako at ayon sa kanya, kahit ano man ang mangyari ay hinding-hindi niya huhusgahan ang pagiging bakla ko. Mabilis naman akong nakabalik sa aming bahay nang maghiwalay na kami ni Peter upang umuwi na rin siya. Naabutan ko si Papa sa bakuran ng aming bahay na nakapamewang. Nang makita ako nito ay masama niya akong tiningnan. Tila ba may kasalanan na naman akong ginawa sa paraan ng kanyang pagkakatingin. “Bakit ang bagal mo tumakbo, Rico? Daig ka pa ng isang babae. Bakla ka ba?” aniya nang makalapit ako sa kanang puwesto. Napabuntong-hininga lang ako at tumingin sa kanyang mga mata. “Kasama ko po kasi si Pit, ‘Pa. Kaya binagalan ko lang ang pagtakbo,” ang sagot ko. “Siguraduhin mo lang, Rico. Sinasabi ko sayo. Ayaw ko sa mga bakla,” tinuro pa ako nito kaya napayuko ako. “Naiintindihan mo ba ako?” “Opo,” ang simpleng sagot ko. Tinalikuran na ako nito. Pumasok siya sa loob ng bahay. Napahinga naman ako ng maluwag at napatingala sa langit. Napakahirap ng sitwasyon ko ngayon, pero sa tagal ko ba namang nagtatago ay nakakasanayan ko na ang magpanggap at magsinungaling. “Hayaan mo na ang Papa mo. Baling araw ay kapag napatunayan mo na sa kanya ang lahat, matatanggap ka rin niya,” tumingin ako rito. Si Mama na nasa aking harapan. Nakangiti at sa paraan ng pagkakangiti niya ay ipinaparamdam niya sa aking magiging maayos din ang lahat. “Salamat ‘Ma, kung hindi dahil sa mga sinasabi mo sa akin ay matagal na siguro akong sumuko,” ang sabi ko sa kanya. “Anak,” humawak ito sa magkabilang mukha ko nang makalapit siya. “Nandito lang ako. Tanggap kita dahil galing ka sa sinapupunan ko. Kahit na ano man ang sabihin nila, mamahalin at tatanggapin kita.” Hindi ako iyaking tao dahil pinalaki ako ng aking Papa na matapang dahil gano’n daw ang mga tunay na lalaki. Pero sa tuwing ganito ang mga sinasabi sa akin ni Mama, hindi ko maiwasan ang mapaluha. Hindi naman lahat ng tunay na lalaki ay matapang, kaya masasabi kong hindi ako naiiba sakanila. Tao pa rin naman ako. Ngumiti lang ako kay Mama at niyakap siya. Niyakap ko rin niya ako pabalik kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Kung wala si Mama at Peter na siyang nagpapalakas din ng loob ko ay malamang matagal na akong sumuko. Matagal na akong lumayo. Pero hindi ko sila maiwan-iwan lalo pa’t sila lang ang kakampi ko sa ngayon. “Tara na, pumasok na tayo at mag-aalmusal na,” aniya nang kumalas kaming dalawa sa yakap. Tumango lang ako at pinunasan ang mga luha sa aking mga mata bago kami pumasok sa loob. Naupo na ako sa aking puwesto. Katabi ang kapatid ko babae. Nasa dulo naman si Papa ng rectangular na mesa habang kaharap ko si Mama na katabi ang bunso kong kapatid na babae. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit ayaw ni Papa ang pagiging bakla sa pamilya dahil sa nag-iisa lang ako lalaki. “Anong kukunin mo sa college, Rico?” ang tanong ni Papa sa gitna ng pagkain. Tumingin naman ako sa kanya. Uminom muna ako bago sumagot. “Balak ko po sanang kumuha ng culinary arts, ‘Pa.” Minana ko ang hilig sa pagluluto sa aking ina. Dahil noong mga panahong sundalo pa ang Papa ay si Mama ang palagi kong kasama sa kusina upang magluto. Kaya simula noon ay pinangarap ko na ring maging isang chef at balang araw ay makakapagpatayo ng sarili kong restaurant. “Hindi. Magsusundalo ka,” ang matigas niyang sabi. “Pero, ‘Pa. Hindi ko naman ho ‘yun gusto,” ang sagot ko sakanya. Tumingin ako kay Mama na tahimik lang. Pinipigilan rin niyang magsalita dahil maging ako ay takot din siya kay Papa. “Gustuhin mo, Rico. Iyang pagluto-luto na iyan ay para lang sa mga babae iyan. Magsusundalo ka dahil ‘yun ang gusto ko at makakabuti para sa’yo.” “Saka niyo na lamang pag-usapan iyan. Matagal pa naman ang pasukan kaya may oras pa ang anak mo makapag-isip,” ani Mama. Hindi na rin ako nagsalita pa. Ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Matagal pa naman ang pasukan sa college. Baka makumbinse ko pa siya na hindi ko gusto ang pagiging sundalo dahil hindi ‘yun nababagay

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.0K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

OSCAR

read
226.0K
bc

NINONG II

read
618.1K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
499.1K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook