bc

Stallion #5: REIGAN BALTAZAR

book_age16+
2.3K
FOLLOW
13.9K
READ
opposites attract
playboy
self-improved
doctor
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Kaaway ang tingin ni Sierra kay Reigan.

Kaibig-ibig naman ang tingin ni Reigan kay Sierra.

Hindi magkasundo ang kanilang mga puso dahil sa kanilang nakaraan na kasalanan ng binata. Kaya ngayon, pahirapan ang pagkuha nito sa pag-ibig ng dalaga.

“Kailan ka ba maniniwalang gusto talaga kita?”

“Kapag naging square na ang buwan.”

Pero dahil sa kagagawan ng makulit niyang pamangkin, nagkaroon ng square na buwan. Kulay green pa. Maniniwala na kaya si Sierra sa mga sinasabi ni Reigan?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“TITA TABA, labas tayo.” Pinandilatan ni Sierra ang pamangkin si Tinay.  “Ikaw, Martina, ha? Two years old ka pa lang pero ang lakas mo ng mang-asar.  Hindi ako mataba, okay?  Malusog lang.  Healthy.  Voluptous.”  Binuhat niya ang pamangkin at pinaupo sa kanyang mga hita.  “Sige, sabihin mo, Si…tita…ay…cute.” “Shi…tita…ay…kut!” “Very good!” “Jabi?”   “Ay, sabay ganon?” Ang paborito nitong fastfood restaurant na walking distance lang sa kanilang subdibisyon ang tinutukoy ng makulit na bata batuta.  Binalingan ni Sierra ang nakababatang kapatid na ina ni Tinay. Naghahanda ito ng miryenda.   “Dinala mo lang ba uli rito si Martina, Lucy, para kikilan na naman ako?” “Parang ganon na nga. Kanina pa kasi gusto nyan lumabas ng bahay kaya dinala ko na muna rito bago pa magwala na naman. Alam mo naman kapag tinopak iyan, akala mo kinurot ng nailcutter sa singit.” “Lupit, ha? Nailcutter talaga?” “Nadampot ko sa vocabulary ng paborito kong manikurista,” nakangisi nitong sagot. “Don’t ever use that again. ‘Yung imagination ko…nagki-cringe ako nang wala sa oras. Eww.” Sa kanilang apat magkakapatid, si Sierra ang panganay ngunit siya pa ang walang asawa at hanggang ngayon ay nakatira pa rin sa poder ng kanilang mga magulang.  Kaya naman niyang magsarili na dahil stable naman ang flow of income niya. Pero pinili pa rin niyang manatili sa bahay ng mga magulang dahil katwiran niya, may kanya-kanya ng pamilya ang mga kapatid niya at siya na lang ang tanging naiwan para mag-asikaso sa mga magulang nila.  And, anyway, wala naman din talaga siyang balak na hayaan ang mga senior citizen nilang magulang na mag-isa sa buhay at bahay.  Kahit na nga ilang beses na rin siyang itinutulak ng mga itong mag-asawa na rin. “Nangati na naman ang mga paa mo, ‘no?”  Pinisil niya ang maliit na ilong ng pamangkin.  “Laboy ka talaga kahit kailan.  Manang-mana ka sa nanay mo.  Speaking of, nasaan nga pala si Nanay?” “Nandun sa tindahan.”  Inayos na ni Lucy ang tray ng miryenda.  “Kung gusto mo na ring magmiryenda pero tinatamad kang maghanda, sumunod ka na lang sa tindahan.” “Tinay, let’s go!” “Jabi?” “No?” “Jabi!” Sinalo na lang ni Sierra ang pamangkin at kinarga ito nang dambahin siya nito, saka sila sumunod sa nanay nito. Malawak ang kanilang lupa kaya naisipan ng mga magulang niyang magpatayo ng maliit na tindahan para may mapaglibangan naman daw ang mga ito.  Pareho na kasi retiradong government employee at naisipang magnegosyo kahit paano para may mapagkuhaan din sila ng extra income.  Kahit na nga sapat naman ang suweldo sa kanyang trabaho bilang new account manager sa isang malaking bangko. Sa harap ng kanilang tindahan ay may mahabang upuan kung saan siya pumuwesto.  Doon na rin naupo si Lucy.  Si Martina lang ang tila hindi kuntento sa kinaroroonan nila dahil nag-umpisa na itong magmaktol. “Tita, jabi tayo,” ungot nito.  “Jabi tayo.” “Wala si Jollibee,” sagot niya.  “Namamalengke pa.  Magluluto pa iyon at maglalaba.” “E!  Jabi tayo!” Nagpaikot-ikot ito sa pagkakakarga niya.  Nang hindi na niya makayanan ay hinayaan na lang niya itong unti-unting dumausdos sa binti niya hanggang mapaupo sa sementadong sidewalk. “Sierra, pagbigyan mo na nga iyan,” wika ng kanyang ina.  “Hindi naman iyan titigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto.” “O.”  Inabutan siya ni Lucy ng isang daang piso.  “Ikaw na ang sumama riyan para makapaglakad-lakad ka naman.” “Naglalakad-lakad naman ako sa bahay, ah.” “Oo.  Paikot-ikot sa kusina, sala, kuwarto at banyo.  Matatagtag nga ang mga taba-taba mo niyan.” “Hoy, Maria Lucinda, mas matanda ako sa iyo kaya matuto kang gumalang.” “Paano ba iyon?” Eksaheradong napasimangot lang si Sierra nang kunin ang pera. “Huwag mo ngang mainsulto ang mga bilbil ko. Wala silang ginagawang masama sa iyo kaya tantanan mo sila.” Nang makita marahil ng pamangkin ang pagpayag niya ay kusa na itong tumahimik at kumapit sa laylayan ng walking shorts na suot niya. “Tita Taba, karga.” Pinandilatan lang niya ito.  “Patay na si Jollibee.” Ngunit imbes na magwala uli ay nauna na itong maglakad palabas ng gate nila at patungo sa direksyon ng naturang fastfood restaurant.    “Sino ba ang buwisit na taong nagturo sa kanya na tawagin akong ‘Tita Taba’? Kakainin ko iyon ng buhay.” “Si Reigan.” “Agn tukmol na iyon?!” “Guwapong tukmol. Na bagay sa iyo.” “Tseh!” Patakbo na niyang hinabol ang pamangkin. “Ibebenta ko na sa bumbay itong anak mo!” “Goodluck sa bumbay!” Gigil pa rin si Sierra nang maabutan ang pamangkin at hinawakan ito sa kamay para hindi ito bumaba sa nilalakarang sidewalk. “Buwisit na kulugong iyon. Wala nang nakita kundi ang mga nananahimik kong taba,” sambit niya nang sulyapan ang nakaumbok niyang tiyan. “Hay. Kaya ikaw, Tinay, ha? Huwag na huwag ka ng makalapit-lapit sa unggoy na iyon, ha?” “Monkey?” “Oo, monkey.  Unggoy.  Tsonggo.  Primate.  King Kong—“ “Karga, Tita.” “Maglakad ka na lang.  Magkaka-muscle ang mga braso ko, eh.” “Karga!” “Malapit na lang naman tayo, o.  Lakad ka na lang—“ “Karga!  Sige, magagalit na ‘ko!” “Tingnan mo ‘tong kutung-lupa na ‘to.  Kung hindi ka lang cute na cute, isinabit na kita sa puno ng narra.” “Karga! Karga!” Gusto pa sana niyang makipagtigasan dito pero pinagtitinginan na sila ng mga nakakasabay nilang naglalakad nang mga sandaling iyon. Baka isipin pa ng mga ito na wala siyang puso.  Hindi pa naman alam ng mga ito na ang pamangkin niyang ito ang pinakawalang pusong nilalang ipinanganak sa mundo.  Nuknukan ng maldita at salbahe.  Palibhasa spoiled sa mga lolo at lola.  Pati mga kapitbahay nila ay naloloko nitong isa itong santa.  Kunsabagay, sino nga ba naman kasi ang makakatanggi sa isang cute at bibong bata na dalawang taong gulang pa lang ay matatas ng magsalita.  Marunong ng makaintindi sa maraming bagay.  Marunong na ring mangatwiran, daig pa ang abogado.  Hindi kasi nila ito bini-baby talk kaya siguro madali nitong naintindihan ang mga sinasabi ng mga matatanda.  ‘Yun nga lang, pati ang mga baluktot na katwiran ng mga matatanda ay nakukuha nito. Sierra finally picked up her niece.  “Ay, anak ka ng—ang bigat mo, Martina!  Ano ba ang ipapakain sa iyo ng Mama at Papa mo?” “Fish.” “Fish lang?” “Manok.” “Ano pa?” “Mamoy.” “At maka,” natatawa niyang dugtong.  Siya kasi ang nagturo dito ng mga salitang iyon patungkol sa mga paborito niyang ulam.  “Manok, mamoy, maka, mish.  Sarap, ‘no?” “Jabi!” “Oo na, oo na.”   Paglabas ng kanilang subdibisyon ay makikita ang isang two-storey mini-mall na madalas puntahan ng mga tao mula sa iba’t ibang barangay na malapit sa kanilang lugar.  Pati na rin ng mga estudyante mula sa apat na private schools at dalawang public schools doon ay iyon na ang ginagawang tagpuan at tambayan pagkatapos ng kanilang mga klase.  Kaya naman may pasok man o wala, umulan man o umaraw, hindi nawawalan ng mga tao roon.  Fastfood restaurants, bookstore, videoshop, drugstore, banks, botique shops at grocery store.  Kumpleto na ang mini-mall na iyon kaya hindi na kinakailangan pa ng mga taong lumayo para lang bumili ng kung ano-anong kailangan nila sa bahay man o sa pansarili. Bookstore muna ang madadaanan bago ang Jollibee.  Napansin niyang bigla na lang humigpit ang kapit sa kanya ni Martina at itinago pa nito ang mukha sa kanyang leeg. “Monster, Tita!  Montser!” Natawa lang siya nang makita ang kinatatakutan nito.  Nasa display window kasi ng naturang bookstore ang mga Halloween masks at kung ano-ano pang nakakatakot na paraphernalia dahil malapit na ang Halloween. Ngunit mas bumilis ang lakad niya hindi dahil sa takot kundi dahil sa lalaking kasalukuyang nagbabayad sa counter na kitang-kita niya sa mula sa pinto ng bookstore. She had no intention of ruining her day just because of that guy. Pagdating sa Jollibee ay ibinaba na niya ang pamangkin na agad namang bumitaw sa kanya.  She was about to push the glass door when someone opened it up for her.  Binalingan niya sa likuran ang nagbukas para sa kanya upang magpasalamat. Napakunot-noo lang siya nang makita ang nakangising mukha ni Reigan Baltazar a.k.a. Reigan the Kong. “After you, Lady Sierralaine.” “Salamat,” walang kagana-gana niyang sagot.  Hindi na niya ito nilingon pa nang sundan si Martina sa redemption booth na pinupukpok na nito.  “Mali ka naman ng pinipilihan, eh.  Doon tayo sa pila ng mga pagkain.” “Hello, Tinay,” bati ni Reigan.  “How are you?  Kinikikilan mo na naman ang tita mo, ano?  Tama iyan.  Para naman mabawasan ang kayamanan niya at maghanap na siya ng mayamang mapapangasawa.  Aherm!  Mayaman ako.” “Leigun!”  Mabilis na iminuwestra rito ni Martina ang mga kamay.  “Karga!” “Huwag,” saway ni Sierra sa pamangkin.  “Babaho ang kamay mo.” “Oy, Sierra, paninirang puri iyan.  Mabango ako.  In fact, kaliligo ko nga lang.  Amuyin mo pa ako kung gusto mo.” Itinaas nito ang kilikili at nang akma nitong ididikit iyon sa mukha ni Sierra. “Manong Guard!  May m******s ho dito!” tawag niya sa guwardiya ng fastfood chain. “O, nag-eeskandalo ka na naman.”  Kinarga na lang ni Reigan si Martina.  “Kung ako sa iyo, Tinay, huwag ka masyadong magdididikit diyan sa tita mong wala pa ngang asawa e nagme-menopause na.  Ano’ng gusto mong bilhin natin?  Ituro mo lang at si Dok Pogi na ang bahala.” “Mamok.” “Mamok?” “Chicken.” “Ah. Mamok it is.” Ini-upo na ni Reigan si Tinay sa ibabaw ng counter at umorder ng kung ano-ano. Hindi na lang kumontra si Sierra. Basta huwag lang nitong iistorbohin ang wallet niya, bahala itong mamulubi sa pagbabayad ng mga inorder nito.    Akin na lang ang one hundred pesos mo, Lucy, hehe!   “O, ikaw diyan, Sierra.” Nilingon niya si Reigan nang marinig nito pagtawag nito sa kanya. And she thought she had seen the most handsome actor on the planet. Oo, kahit asar siya sa lalaking ‘to, hindi niya makakayang ikaila na guwapo talaga ito sa kahit saang anggulo. Matangkad pa, makisig, matalino at tama nang papuri iyan, Sierra. ‘Di ka naman niyan binabayaran. “Alam kong mukha akong masarap na putahe, pero nasa fastfood tayo, Sierralaine. Ayokong agawan ng benta ang tropa ng matabang bubuyog.” “And I’m not gonna order you kahit ikaw pa ang huling ulam na nakahain sa harapan ko. Kaya huwag mo na akogn intindihin. Kaya ko nang bumili ng pagkain, with my own money. Ayokong magka-utang na loob sa iyo.” “Oo, alam ko naman na laging nagda-drama ang mga alaga mo tiyan kapag nagmamagandang lalaki ako sa iyo--” “Ano?!” “Nagmamagandang loob. Nagmamagandang loob. Nagkamali lang ng konti ang pagkakasabi ko. Highblood ka naman agad.” “Wala ako sa mood makipag-biruan ngayon, Reigan. Kaya umayos ka kung ayaw mong sakmalin kita dyan nang wala sa oras.” “Yes, ma’m.” Nilingon na nito ang crew sa likod ng counter na nangingiti na lang sa kanila. “Miss, isa pang two-piece chicken meal.  Kulang kasi ang isang manok lang dito sa darling sweetheart ko.  ‘Yung spicy.  At dalawang large fries na rin.” “Hindi ako kumakain ng french fries.  Alam mo ba kung ilang libong calories ang naibibigay ng isang order ng french fries?  Punung-puno pa iyan ng asin—“  Natigilan siya nang nakangiting humarap sa kanya si Reigan at isubo nang sabay-sabay sa bibig nito ang limang pirasong french fries.  “Bakit ba naisipan ko pang sermunan ka?  Nagsayang lang ako ng laway.  Mahina ka nga palang maka-pick up ng mga leksyon ng buhay.” “Matagal na akong natuto sa buhay.  Kaya nga alam kong hindi dapat binabalewala o ipinagpapabukas ang pagkain ng french fries.  Kasi hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay.  Malay mo, ikaw, hindi ka na sikatan ng araw bukas.  Sayang ang pagkakataong makakain ka ng masasarap na pagkain, di ba?”  Nilingon ni Reigan ang crew nang makumpleto ang orders nila.  “Kaya dapat kain lang ng kain.” “Masamang d**o ako kaya matagal pa akong mamamatay. Lalo na kapag umiwas ako sa dalawang order ng large fries.” Tinalikuran na ni Sierra si Reigan para maghanap ng bakanteng mesa. Pero mabilis siyang nahawakan ng binata sa kanyang braso. Hindi niya iyon inaasahan kaya na-outbalance siya at napasandal sa matatag na katawan ni Reigan.  Agad niyang naramdaman ang kumportableng init na hatid ng katawan nito.  Pero mabilis din siyang lumayo rito dahil hindi nag-uumpisa na siyang maasar sa kanyang sarili.   Bakit ba puri siya nang puri sa kumag na ‘to? “Ano ba!” angil niya rito.  “Kanina ka pa hawak ng hawak, ha?  Idedemanda na kita.” “Oy, ngayon lang kita hinawakan.  Di ba, Tinay?”  Tumango lang ang pamangkin ni Sierra dahil gaya ng lalaki ay punung-puno na rin ang bibig nito ng french fries.  “That’s my girl.  Ganyan ka dapat lagi, kampi kay Doc Pogi.” “Paanong hindi kakampi sa iyo ‘yan e lagi mong sinusuhulan?” “Aba, dapat lang.  Para malakas ang kapit ko sa loob.” “Sa loob ng?” “Ng bahay ninyo.” “Baket?”   “Hindi pa ba obvious?  Para mas mapadali ang panliligaw ko sa iyo.  Kapag naging kakampi ko na si Martina—O, Sierra, saan ka pupunta?” “Bibili ng kausap.” Narinig lang niyang tumawa ito at muli siyang hinawakan sa braso nang tangkain niyang maglakad na naman palayo sa mga ito. “Miss, pakidala na lang‘yung mga order namin sa puwesto namin, ha?” “Yes, sir.” “Salamat.” Walang kahirap-hirap ng kinarga ni Reigan si Tinay saka iginiya si Sierra patungo sa nakitang bakanteng mesa. “Kaya kong maglakad mag-isa.” “And I’m being a gentleman.” “Nagpapapansin ka lang kamo sa ibang tao rito.” “Hindi ako magpapakahirap na magpapansin sa ibang tao kung sa iyo pa nga lang, hirap na akong makakuha ng kahit isang papuri sa mga kabutihang nagawa ko sa iyo.” “Gini-guilt trip mo ba ako?” “O, narito na ang order natin. Ang bilis, ah.” At naging abala na si Reigan sa pagnguya ng french fries kasama si Tinay matapos asikasuhin ang mga dumating na pagkain. Habang si Sierra ay abala sa pagpipigil sa sariling maisupalpal sa mukha ng binatang pediatrician ang tatlong hamburgers sa harap nila.  Matagal na siyang tinutukso nito sa kawalan niya ng lovelife, much more ang pagiging invisible din ng kanyang mga manliligaw.  Kaya naman para raw hindi na siya malungkot, ito na lang ang manliligaw sa kanya.  Gago talaga.  Gawin pa raw ba siyang charity work.   Minsan na niya itong naging crush.  Noong nasa highschool pa lang sila dahil magkapitbahay lang naman sila sa iisang subdivision.  May pagka-brutal ang binatilyong Reigan pagdating sa pang-aasar sa kanya.  Subalit hindi iyon naging hadlang para magustuhan pa rin niya ito nang husto.  Noon.  Hindi na ngayon.   “Ako na lang ang manliligaw sa iyo, Sierralaine.  Kawawa ka naman, eh.  Walang kang suitors.  Wala rin naman akong ginagawa kaya okay lang sa akin iyon.  Pasalamatan mo na lang ako kapag nagka-pera ka na.” O di ba? Tukmol talaga. Kulang na lang ay ibaon niya si Reigan ng buhay nang araw na marinig niya ang mga salitang iyon mula rito.  She was sixteen at that time.  Panahon kung kailan sagana sa tighiyawat ang kanyang mukha at napaka-sensitive ng kanyang puso.  She felt so ugly and broken then.  Minsan na nga rin niyang naisipang lumayas noon sa bahay nila para lang makalayo sa sira-ulong kapitbahay nila.  Para makalimot.  Pero natawa lang ang pamilya niya sa kanya at sinabing kung lilipat sila, baka tuluyan na siyang mawalan ng manliligaw.  And so, to make the long story short, hindi nga siya nakawala sa mga kuko ng herodes niyang kapitbahay na itatago natin sa pangalang Reigan Baltazar. Ngunit kung meron mang naging magandang naidulot sa kanya si Reigan, iyon ay ang natuto siyang maging matatag sa buhay.  Kumapal ang mukha niya at naging mas aggressive siya sa mga bagay na gusto niya.  Nakipagsabayan siya sa mga estudyanteng malakas mang-asar tungkl sa itsura niya, kaya walang sinoman ang nagtangkang mam-bully sa kanya. Naka-survive siya ng school days niya ng hindi siya umiiyak. Kaya kahit ang pagiging mahina niya sa Math ay hindi niya sinukuan kaya naman, heto siya ngayon, isa ng magaling na account manager ng isang malaking bangko.   At si Reigan?  Pinakinabangan nito ang pagiging bolero nito kaya ngayon ay isa na itong certified pediatrician.  Lahat ng bata, may topak man o wala, nabobola nito.  At minsan nga pati matatanda ay nauuto nito.  Siya nga lang yata ang hindi nasisilaw sa karisma nito.  Natural dahil alam na niya ang mga kabuktutan nitong itinatago sa katawan. “O, Sierra, nawawala ka na naman sa sarili mo,” mayamaya’y wika ni Reigan. “Sinabi naman sa iyong huwag mo ako masyadong isipin.  Nakakahiya.  Baka isipin ng iba e dead na dead ka sa akin.” “Reigan, puwede bang maging tao ka naman kahit minsan?  Para matuwa naman ako sa iyo.  Puwede ba?” Imbes na sumagot ay ngumisi lang ito saka lantarang nilantakan sa harap ni Sierra ang isang fried chicken.  Swak na swak itong pamalit sa trono ni Aga Muhlach bilang product endorser ng naturang fastfood chain.  Natatakam siya sa piraso ng manok na iyon.  And, sad to say, pati na rin sa taong may hawak niyon. Shut up, Sierra. “Hmm, ang sarap-sarap nito, Sierra.  Katakam-takam.  Hindi ba, Tinay?” “Yum-yum, Tita Taba.” Hindi alam ni Sierra kung dahil sa pagkakabanggit ng pamangkin niya sa salitang ‘taba’ o dahil lang sa nailang siyang bigla sa lalaking ito na ilang taon na niyang kinabubuwisitan, kaya naman napasimangot na lang siya. “I’m on a diet,” sagot ni Sierra. “Hindi ka mabubusog sa kaka-diet mo na iyan.” “That’s the point.” “Para kang sira.  Magpapa-gutom ka para lang magkaroon ng magandang katawan? Wala namang mali sa katawan mo, ah.”   “I’m fat.  In case you’ve forgotten.” “You’re not fat. You’re just healthy.” “I’m fat.” “You’re the most beautiful woman on the planet.” Kikiligin na sana si Sierra kung hindi lang alam na ang kumag na ‘to ang numero unong tagapagpaalala sa buong mundo ng mga bouncign baby fats niya. “You don’t believe me.” “’Buti alam mo.” “Nakakasama ka ng loob, Sierralaine. Bakit hindi mo mapaniwalaan ang mga sinasabi ko?” buong pagda-drama nitong sambit. “Sincere ako sa tuwing sinasabi kong maganda ka. Matalino. Sweet. You don’t need a sexy body to—“ “I want a sexy body.  At kasalanan mo kung bakit hindi na ako naniniwala sa iyo.” “Kasalanan ko…?” “Tita Taba, huwag ka na magalit.” Itinuro niya ang pamangkin.  “O, ‘yan, narinig mo?  Hindi ba’t ikaw mismo ang nagturo kay Martina na tawagin akong Tita Taba?  Tapos ngayon magpapauso ka ng ‘you don’t need a sexy body’.  kaya tigil-tigilan mo ako nyang mga papuri mong labas sa ilong lahat.”  “Pero isang beses ko lang namang binanggit iyon kay Tinay. And I did it in good faith.” “Tinawag mo pa rin akong mataba sa harap ng pamangkin ko kaya in good faith mong mukha mo.” Halata ang matinding pagtutol sa mukha ni Reigan sa mga sinabi ni Sierra. Gayunman, hindi rin nito magawang sumagot kaya binalingan na lang nito katabing bata. “Tinay, sa akin mo talaga natutunan ‘yung tawag mo na ‘yon kay Tita mo?” Walang reaksyon kay Tinay na tahimik lang ngumangata ng french fries.   Alanganin na ang ngiti ni Reigan nang balingan lang uli si Sierra. Nagtikwasan naman ang mga kilay ng dalaga dahil parang nakakalimutan niya ang ngitngit niya rito sa tuwing makikita itong nakangiti sa kanya. “I guess talagang mahihirapan akong mapasagot ka.” “Tanungin mo ako ngayon ng mahiwagang tanong mo na iyan, Reigan.” “Ay, oo,” asar niyang sagot.  “Parang ganon na nga.”   “Ayoko.” “Dahil…?” “Sikret.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taz Ezra Westaria

read
106.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

His Cheating Heart

read
40.5K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
960.9K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.3K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

A Billionaire In Disguise

read
653.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook