bc

Stallion #1: JUBEI BERNARDO

book_age16+
4.7K
FOLLOW
23.6K
READ
contract marriage
arranged marriage
independent
CEO
comedy
sweet
bxg
humorous
like
intro-logo
Blurb

Nagrerebelde si Temarrie. At sa gitna ng pakikipagsapalaran niya sa galit ng ama, mga kapatid at lintik na holdaper, natagpuan niya si Jubei. Ay mali, si Jubei pala ang nakatagpo sa kanya. Kasalukuyan siya noong nakikipagnegosasyon sa holdaper nagn sumulpot na lang ang lalaki mula kung saan. Nailigtas siya nito. Kaso, ang pera niya, hindi. Importante pa naman iyon sa kanya.

Napundi yata sa kanya ang lalaki sa kakakulit niyang bayaran nito ang kanyang perang nawala nagn dahil dito. Kaya bigla na lang siya nitong ipinakulong, saying na isa siyang miyembro ng malaking sindikato. Isinumpa niya ang lalaki sa lahat ng santong kilala niya. Pero ang hindi niya akalain, sa lahat ng santo rin iyon siya haharap…kasama ng lalaking isinumpa niya.

Because Jubei was the man her father wanted her to marry. Eto ang matindi, narinig at nakita pa niya ang lalaki nang mag-propose ito ng kasal sa ibang babae.

O di ba ang saya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
DINILAAN NI Temarrie ang kanyang hintuturo saka ipinagpatuloy ang pagbibilang ng kanyang salapi.  Ngingisi-ngisi siya habang pabalik sa kanyang kotse.  Nanalo na naman ang tinayaan niyang kabayo kanina sa horse race.  Okay talagang pagkakitaan ang sugal na ito.  Easy money.  Sa susunod, mas lalakihan pa niya ang kanyang pusta.  Kapag nagkataon, siguradong sa loob lang ng ilang taon, magiging milyonarya na siya.   “Ang galing ko talaga! So amazing, self!” bati pa niya sa kanyang sarili.  “Sa wakas ay makakapagpatayo na rin ako ng sarili kong negosyo.  Makikita ninyo, Papa.”  Tumingala pa siya sa langit.  “Kikilalanin din ninyo ang kakayahan kong maging mayaman!  Bwahahaha—“ “Holdap ‘to.  Huwag kang kikilos ng masama.” Nanatili sa ere ang kanyang mga kamay pati na rin ang eksaherado niyang pagtawa nang maramdaman ang matulis na bagay na iyon sa likuran niya.  “Naku, manong, huwag ho ninyo akong sasaktan.  Hindi ho ako lalaban.  Babae ho ako, mahina.  Wala ho akong—“ “Tumahimik ka!  Akin na ang lahat ng pera mo!” “Lahat?  Ng pera ko?”  Hinigpitan niya ang hawak sa kanyang mga pera saka pasimpleng naghanap ng maaaring makatulong sa kanya.  Kung bakit naman kasi naisipan pa niyang umuwi ng mas maaga kaysa sa talagang oras ng uwian ng mga tao sa horse racing arena na iyon sa Sta. Ana, Manila.  Wala tuloy siyang makitang maaaring makatulong sa kanya.   “E…manong, puwede ba nating madaan ito sa demokratikong usapan—“ “Ayoko na ng maraming satsat!  Ibigay mo na sabi sa akin ang pera mo kung hindi, papatayin kita!” “Teka ho muna sandali.  Ibibigay na.”  Dahan-dahan pa niyang ibinaba ang kamay na nahawak sa kanyang mga pera.  She wasn’t really ready to let it go.  Aba, ilang linggo yata niyang hinintay na magkaroon siya ng panaginip na makakapagsabi sa kanya kung anong numero ng kabayo ang kanyang dapat tayaan upang manalo.  Tapos, mawawala lang iyon agad nang ganon?  Paano na ang kanyang binabalak na negosyo? She needed the damn money! Nag-isip pa siya ng mabilis na solusyon kung paano makakawala sa holdaper, with her precious money still intact.  Nang mula kung saan ay may narinig siyang boses ng isang lalaki. “Hey, what’s going on out there?” Isang matangkad na pigura ang nakita niyang papalapit sa kanila.  Nang mapansin niyang na-distract ang holdaper, agad siyang lumayo rito.  Pero mas mabilis ito dahil naagaw nito sa kamay niya ang kanyang mga pera saka kumaripas ng takbo. “Hoy!  Walanghiya ka!  Ibalik mo sa akin iyan!”  Nang tangkain niya itong habulin ay may kung anong pumigil sa kanyang beywang.  Nagpumiglas siya.  “Bitiwan mo ako!  Ang pera ko!” “Are you out of your mind?  Bakit mo pa susundan ang lalaking iyon ngayong ligtas ka na?” “Pero ang pera ko, hindi pa ligtas!”  Subalit na siya nito pinakawalan pa.  At ang pobre niyang salapi, tuluyan ng naglaho sa kanyang paningin.  “Ang pera ko…” “The guy has a knife.  Mas importante pa ba ang perang iyon kaysa sa kaligtasan mo?” Ngayong ni anino ng kanyang salapi ay hindi na niya maaninag pa, nabaling tuloy ang lahat ng atensyon niya sa lalaki.  Sa unang pagkakataon, she had a glimpse of her unwanted hero.  Lalo na ang kanyang galit. “Oo!” bulyaw niya rito.  “Dahil ang perang iyon ang buhay ko!  Ngayon, ano na ang gagawin ko?” “Kasalanan ko pa iyon ngayon?  Iniligtas na nga kita.” “Sinabi ko bang iligtas mo ako?  Kaya ko ang sarili ko.  Hindi ko kailangan ng tulong ninoman!”  Sa sobrang frustrations ay hinampas niya ito sa dibdib.  Ngunit nasangga naman siya nito kaya lalo lang siyang nagngitngit.  “Asar ka!  Sinira mo ang kinabukasan ko!  Kung hindi dahil sa iyo, may pera pa sana ako ngayon!” Nanatiling nakatitig lang ito sa kanya.  siya naman ay hindi inurungan ang paninindak nito.  Kasi naman, paano siyang masisindak e mukhang anghel itong kaharap niya?  kung hindi nga lang dahil sa ginawa nitong pakikialam sa buhay niya kanina, baka nagustuhan niya ito.  Pero mas importante sa kanya ang pera niya kaya wala siyang pakialam kung gaano pa ito kaguwapo. “Kung ganon kahalaga sa iyo ang pera na iyon, habulin mo ‘yung holdaper.  Go ahead.  Don’t worry, hinding-hindi na ako makikialam pa.”  “Go ahead?  Paano ko pa siyang mahahabol e nakatakas na nga?”  Muli niyang tinapunan ng nanghihinayang na tingin ang direksyong tinungo ng holdaper.  Napapadyak na lang siya sa inis bago ito muling hinarap.  “Kasalanan mo ito!  Talagang kasalan mo ito!  Bayaran mo ang perang nawala sa akin!”  Inilahad niya rito ang kamay.  “One hundred fifty thousand, bilis!” Marahan lang itong napailing.  “I don’t believe this.” Muli na nitong binalikan ang sasakyan nito.  Ngunit hindi siya papayag na basta na lang ito makaalis.  That’s one hundred fifty thousand for Pete’s sake!  Iniharang niya ang katawan sa pinto ng kotse nito upang mapigilan itong makasakay. “Hindi ako papayag na basta ka na lang umalis hangga’t hindi mo nababayaran ang perang nawala sa akin nang dahil sa iyo.” “You think I’ll fall for this?  Hindi ako tanga, Miss.” “Hindi ka nga tanga, pakialamero ka lang.  Akin na ang pera.”  Nasa itsura at pananamit nito na kaya nitong ibigay ang perang nawala sa kanya.  Idagdag pa ang modelo ng kotse nitong alam niyang talagang mayayaman lang ang mayroon.  Her older siblings have this kind of cars. Saglit itong tumingala at tila nauubusan na ng pasensiya nang muli siyang balingan.  Ang hindi lang niya inaasahan ay nang ilapat nito sa katawan ng kotse ang magkabilang kamay sa pagitan niya.  Naging instant prisoner tuloy siya nito. Inilapit pa talaga nito ang mukha sa kanya.  “Akala mo ba hindi ko alam ang ganitong klase ng mga modus operandi ng mga gaya mo?  Alam kong kasabwat mo ang lalaki kanina.  Kunwari na-holdup ka nang makita ninyo akong papalapit sa kotse ko.  Nang makialam ako, hinayaan mong makawala ang kasama mo kasama ng ‘pera’ mo.  Pagkatapos ay isisisi mo sa akin iyon para nga naman may instant money kayo nang walang kahirap-hirap.  Pretty convenient, I must say.  But you won’t get away with it.” “Ano ba ang pinagsasasabi mo riyan?  Pera ko iyon—“ “Let me tell you something, Miss.  Kung sa inaakala mong papatulan ko ang kalokohan mong ito, nagkakamali ka.  I am Juan Bernardo IV.”  Dinutdot nito ang noo niya.  “Don’t make a fool out of me.” “I am not—“ “Sir, may problema ba rito?” Dalawang patrol guards ng race tracks na iyon ang nakita niyang lumapit sa kanila.  Nakilala niya ang mga ito dahil sa suot na uniporme ng mga ito.  Puwede siyang makahingi ng tulong sa mga ito upang maparusahan ang impaktong lalaking ito. “Meron—“   “Holdaper ang babaeng ito,” sansala ng lalaki saka lumayo sa kanya.  “Arestuhin ninyo iyan.” “Ano—“  Hindi na siya nakapalag nang mabilis siyang hawakan ng mga patrol guards.  “Hindi ako holdaper!  Bitiwan ninyo ako!” “Sa presinto ka na magpaliwanag.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
415.6K
bc

The Sex Web

read
130.5K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
442.9K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
608.4K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
533.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook