Chapter One

1299 Words
Naikot na yata ni Uela ang lahat ng parte ng bahay nila. Naghahanap siya ng magandang pwesto kung saan siya makakapag-sulat. Nasa kwarto na niya siya galing pero hindi siya makapag-concentrate. May nagvi-videokeng kapitbahay sa tapat ng kwarto niya. Bumaba siya sa sala pero ando'n din ang kapatid niyang nakababad sa netflix kaka-marathon ng Crash Landing On You at ang lakas ng volume ng tv. Saka na siya manonood niyon 'pag may time na siya. Lumabas siya sa may terrace kaso tahulan din 'yong mga aso nilang nakatali sa gilid. Kusina na lang talaga ang option niya kaso ando'n din 'yong nanay niya na nagluluto at hindi rin siya makakapag-sulat do'n sapagkat kakausapin siya nang kausapin nito hanggang sa mauurat siya at mawala sa konsentrasyon. Kulang na lang ay pati cr nila ay pasukin niya at doon na lang magkulong. Ang hirap ng kalagayan niya. Isa siyang fulltime writer sa isang sikat na publication. At nagtatago sa pseudynom na Lady Elle. Romantic-comedy ang genre niya at isa siya sa mga top at best-selling author. 'Yong pamilya lang niya at ilang kaibigan lang ang nakakaalam na siya si Lady Elle. Nakapag-published na siya ng nasa mga dalawampung libro at lahat iyon ay sold out at bestseller. At meron na siyang kulang-kulang na one hundred thousand followers sa Mattpad, booklat at kasama na ang sarili niya mismong page sa bookface. Nakaka-overwhelming sa dami na humahanga at sumusubaybay sa kanya at sa mga gawa niya. At nagpapasalamat siya sa walang sawa na nagbabasa at bumibili ng mga libro niya. May deadline siyang hinahabol kaya kahit araw ay pinipilit niyang makapag-sulat. Sa gabi talaga siya nagsusulat hanggang madaling araw kasi nakakapag-concentrate at nakakapag-isip siya. Mababa na 'yong dalawang chapter ang naisusulat niya. Tatlo ang on-going niya. Isang series at dalawang single novel pareho. Pero minsan ay higit pa ro'n lalo na 'pag nasa creative mojo siya. Minsan ay nakakapag-update rin siya sa mga writing platform account niya bago tuluyang matulog. She was organize pagdating sa mga manuscript niya. Lahat may schedule at oras kung kailan niya isusulat 'yong isang chapter tapos 'yong sa isa naman. Kumbaga salitan para lahat ay matutukan niya. Hindi naman siya nalilito kasi nasanay na rin siya sa ginagawa. Ilang taon na rin naman siyang nagsusulat kaya gamay na gamay na niya ang mga iyon. Medyo rush kasi ang sinusulat niya kaya kailangan na niyang matapos iyon. Kaya wala siyang choice. Gano'n ang routine niya halos sa bahay lang at nagsusulat. Palipat-lipat ng pwesto. Wala rin siyang lovelife. Boring at hindi exciting ang life niya 'pag sa bahay lang. Nagkakaroon lang ng mga ganap kapag nagtatravel siya. Isa pa 'yon sa gustong-gusto niyang gawin aside sa pagsusulat. Wala na siyang ibang mapuntahan pa. Kailangan niya ng katahimikan. Kung hindi lang siya naghahabol ay okay lang sana. Bitbit ang laptop niya ay bumalik siya sa kwarto niya. Inayos ang mga gamit na dadalhin at inilagay sa backpack. Balak niyang sa labas na lang magsulat. Maghahanap ng kung saan siya pwede tumambay na medyo tahimik. Nagbihis siya at nagmadaling lumabas. Sa isang sikat na coffee shop siya pumunta para ro'n sana magsulat. Libre aircon, plus wifi at 'yong gustong-gusto niyang amoy ng kape. Kaso pagdating niya roon ay puno iyon ng mga estudyante na hindi niya alam kung nag-aaral o tumatambay lang. Medyo maingay kaya 'di rin siya makakapag-concentrate ro'n. Wala siyang choice kundi lisanin iyon. Kailangan na kailangan niya lang talagang magsulat. Naglakad-lakad pa siya at nagbabakasakaling may makitang magandang pwesto. Ilang saglit ay napansin niya ang isang maliit na bagong bukas na milktea shop. Medyo natawa pa siya sa pangalan nito. Sip Me! Interesting. Na-curious siya. Sana lang ay kung gaano ka-inviting ang pangalan nito sa labas ay sana gano'n din sa loob. Magpapasip-sip siya este siya pala ang sisipsip. Pumasok siya. Hindi gano'n kalakihan ang lugar pero pwede na. May ilang table din pansin niya at dadalawa pa lang ang customer nito na mukhang mag-jowa. Napatingin pa ang mga ito no'ng pumasok siya. Sakto iyon makakapagsulat siya bago magkaroon ng ibang customer. Binati agad siya ng nasa counter. Nagning-ning ang kanyang mga mata nang mapansin na cutie ang lalaking barista. At agad napadako ang tingin niya sa nameplate nito. Nabasa niyang Dave ang pangalan nito. Hero material si koya. Pwede! Nakangiti siyang lumapit at tinitigan ang menu. Nang makapili ay pumwesto siya sa isang mesa sa may sulok na tanaw ang labas mula roon. Nakikita niya ang mga sasakyan at mga taong dumaraan sa labas. Nilabas niya ang kanyang laptop. At agad na nagsimulang mag-type doon. Marami na siyang naiisip pero hindi lang talaga siya makapag-concentrate dahil sa ingay sa bahay nila. Nagrarambol sa utak niya ang mga ideas na naiisip niya. Maya-maya pa ay narinig niya ang pangalan niya. Hudyat na okay na 'yong order niya. Winter melon flavor iyon na may maraming pearls. 'Yon ang favorite niya at palaging ino-order. Nang makabalik ay nagtuloy siya sa pagsusulat. Nakakailang words na siya. At so far, so good. Perfect ang place na nakita niya. Tahimik. Tuloy pa rin siya at busy sa sinusulat. Narinig niyang bumukas ang pinto pero hindi niya pinansin iyon. "Hayop ka! Walang hiyang babae ka. Layuan mo ang boyfriend ko," galit na galit na sabi ng babae. "Wala kaming ginagawang masama," sagot naman ng isang babae. "Malandi ka! Tigilan mo na 'yong boyfriend. Isa kang makating babae. Halika ka rito kakalbuhin kita." At mabilis na sumugod para sabunutan ang isa. Nagpang-abot ang dalawang babae. Sigawan at nagkagulo na. Nagtumbahan na rin ang ilang upuan. "Tama na iyan. Ano ba?! Magsitigil nga kayong dalawa," awat ng lalaki. Napatigil si Uela sa sinusulat. Doon niya napansin ang komosyon. Nag-aaway na pala ang mga tao sa nag-iisang table pa roon. Pero tatlo na ito. Nakita niyang nagpagulong-gulong na 'yong dalawang babae sa sahig at ayaw bitawan ang isat-isa. Todo awat na rin ang lalaki. Ngayon niya lang napagtanto habang pinapanood ang mga ito na another jowa pala ng lalaki ang kasama nitong babae no'ng pumasok siya. At 'yong kasabunutan ng other jowa ay 'yong number one at original na jowa. Naloka siya. Nawala na naman ang konsentrasyon niya. Natutok ang mata sa dalawang babae na parehong sabog-sabog na ang mga buhok. Napaghiwalay na ang dalawa babae ng lalaki. May isang crew din ang tumulong na umawat. "Hindi lang 'yan ang matitikman mo," banta ng totoong jowa. Habang awat-awat ng lalaki at pinipigilan na sumugod. Nagpupumiglas pa rin kasi itong susugod. "Tama na kasi," galit na saad ng lalaki. Pero sa halip na makinig ay sinampal ito ng babae. At lumabas ng milktea shop. Sinundan iyon ng lalaki na lumabas na rin. Naiwan ang other jowa na umiiyak at punit-punit ang damit. Para lang nanunood ng teleserye si Uela. Pwede ng scene iyon sa mga nobela niya. Ngayon lang siya nakanood ng live na gano'n. Kaya imbes na madagdagan ang sinusulat niya ayon na-pending na naman. Wala na siyang maisip. Kung pwede lang sana idugtong ang nasaksihan niya ay idadagdag niya pero hindi, eh. Napakamalas naman niya. Wala na ngang customer. Siya at 'yong dadalawang nasa kabilang table na nga lang kaso ayon sinugod at inaway pa. Patay ang negosyo. Sira na rin ang writing mode niya. Mag-iisang oras na siyang nakatunganga sa harap ng laptop niya do'n pa rin sa milktea shop na 'yon. Hindi pa rin siya umalis kahit natapos na ang kaguluhan kanina. Napuno na rin ang loob ng mga customer kaya medyo maingay na rin. Wala na talaga siyang maisulat. Tiniklop na lang niya ang laptop at pinasok iyon sa bag niya. Sayang lang ang oras niya. Iilan words pa lang ang nasulat niya ni kalahating chapter ay wala pa siya. Uuwi na lang siya. Baka sakaling tapos na ang nagvi-videoke sa tapat ng kwarto niya. Doon na lang siya magtutuloy. Sana lang talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD