Sypnosis

327 Words
Synopsis  Napahinto siya sa paghahanda ng pagkain ng parang may narinig siyang isang iyak. Agad siyang nakaramdam ng kaba ng biglang pumasok sa isip nya ang kanyang anak—si Miracle. Agad siyang lumabas ng kusina upang tignan kung si Acle nga ang umiiyak, pero dumoble lamang ang kaba niya ng makita na si baby Heart nalang ang nandun. Narinig niya muli ang iyak at nakakasigurado na siyang nagmumula iyon sa labas ng kanilang bahay. “Miracle.. “ halos liparin na niya ang distansiya nila ng kanyang anak. Nang makalapit siya sa anak ay agad na itinulak niya ang lalaking nakahawak ng mahigpit sa braso ng kanyang anak. “Ssshh… baby, mama’s here. Stop crying na.” pang aalo niya sa anak. Niyakap niya ito at hinagod hagod ang likod, ng maramdaman niyang kumalma na ito tinignan niya ang lalaking nanakit sa anak niya. “Ano bang problema mo?! Pati bata dinadamay mo sa galit mo sa akin.” Hindi na nya napigil ang sarili sa pagtulo ng kanyang luha. Hindi na niya kaya, mas gugustuhin pa niyang siya ang masaktan wag lang ang kanyang mga anak. “Gusto mong malaman ang kung ano ang problema ko? Ikaw.”sabi nito na may matalim na tingin sa kanya. “Bakit kaba galit na galit sa akin diba ginawa ko naman ang gusto mo?” Lumayo naman siya kahit na ayaw niya dahil buntis siya at ito ang ama. “You ruined everything. Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang asawa ko.” Napasinghap siya at napakunot ang noo. “A-ano b-bang si-sinasabi m—“hindi na niya natapos ang sasabihin ng inilang hakbang lang nito ang distansiya nila at hinaklit ang braso niya. Napadaing siya sa sakit na dulot nun pero di niya pinansin subalit narinig niyang muli ang iyak ng kanyang anak, nakahawak ito sa kamay niya kaya ramdam niya ang panginginig nito. “Don’t deny it bitch.”bulong nito na may diin. “You messed the wrong person and I’m going to mess your life too, kasama ang mga anak mo, bitch.” Sabi nito at pabalya siyang binitawan. ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD