Touch of Death

529 Words
Touch of Death Ang mundong ginagalawan natin ay nababalot ng Misteryo. Walang sino man ang makapagsasabi kung saan ito nagmula at walang sino man ang nakakaalam kung paano ito magtatapos. Hindi ko alam kung saan ito nanggaling. Kung bakit ako nagkaganito. Normal akong namumuhay pero dahil sa isang pangyayari ay nagbago ang takbo ng aking buhay. Hindi ko alam kung ito ba ay isang biyaya na dapat kong tanggapin o isa itong sumpa na dapat ilibing sa limot at ipagsawalang bahala. Ngunit isa lamang ang nasisigurado ko. Ako ay may dugong diyos. "Killing is not a SIN, when you are killing the person who's not worthy to live." -Armania T. Minerva "Kanina mo pa siya pinagmamasdan. Hanggang kailan mo balak na itago ang tunay niyang katauhan?" tanong ng dyosa sa kanyang kasama. Sumilay ang makahulugang ngisi sa kanyang labi at napatitig sa wangis ng dalaga sa maliit na bolang kristal na kayang hawak sa kanyang kaliwang palad. "Dadating ang takdang panahon na matutuklasan niya ang katotohanan sa likod ng kanyang pagkakakilanlan. Malapit na ang panahong iyon at mangyayari ang isang digmaan. Kailangan nating paghandaan dahil tiyak akong sa kanya nakasalalay ang kapalaran ng ating lahi." Kapwa silang napatingin sa repleksyon ng dalaga at nagkatinginan ng may enerhiyang lumabas sa kamay nito. Walang kamalay-malay ang dalaga sa taglay niyang kapangyarihan ngunit isa lang ang nasisigurado ng dyosa. "Tingin ko ay kailangan ko nang gumawa ng paraan upang matuklasan na niya ang kanyang tinatagong lakas. Nang sa gayon ay matutunan niya kung paano ito gamitin ng wasto," aniya. Umiling ang lalaki na kanyang kaharap at bahagyang natawa habang hinahaplos ang kanyang baba. Isang makahulugang ngiti ang kanyang binigay sa babaeng kaharap dahilan upang matigilan ang huli. "Gawin mo kung ano ang nararapat para sa aking anak. Turuan mo siya ng mga dapat niyang malaman." Hinawi niya ang kanyang mahabang buhok at humugot ng malalim na hininga. "Kung iyan ang inyong nais, Mahal na Hari." Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang gumawa ng portal na siyang magdadala sa kanya sa lugar kung saan naninirahan ang babae na matagal na niyang binabantayan. Nakita niya itong nagwawalis sa maliit niyang bakuran kaya napangiti siya. Pinalitan niya ang kanyang wangis, nagkunwari siya na isang matandang babae. Pinulot niya ang munting sanga at ginawa itong tungkod na siyang ginamit niya upang hindi siya matumba. Lumapit siya sa dalaga at kinuha ang kanyang pansin. "Magandang umaga, neng. Ikaw ba'y mayroong tubig na maaari kong inumin? Ako'y uhaw na uhaw na't nanunuyo ang aking lalamunan." Tinigil ng dalaga ang kanyang pagwawalis at dali-daling pumasok sa loob ng kanyang kubo upang kumuha ng isang basong tubig at silya na siyang maaaring upuan ng matanda. Subali't nang lumabas siya ay wala na ang matandang babae, subali't natagpuan niya ang isang buslo na puno ng sariwang gulay at prutas. May kasama rin itong mga ginto. Nagpalinga-linga siya ngunit hindi na mahagilap ng kanyang paningin ang matanda. Nagkibit balikat na lamang si Armania bago muling pumasok sa kanyang tahanan dala ang buslo. Sa 'di kalayuan ay nakatanaw ang matanda na nagbalik na sa dati niyang anyo. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang dalaga na kumain. "Hanggang sa muli nating pagkikita, Armania."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD