1

1095 Words
Terrence's pov "Handa na ba kayo?" Tanong saamin ni papa. Isang buwan na ang nakalipas. Hindi kasi kami kaagad pinayagang hanapin siya nung araw na yun. "Opo" sabay sabay naming sabi at nagsimula ng maglakad "Teka? Terrence nasaan si aira?" Tanong saakin ni samuel. Balita na rin na magkakambal kami ni aira. "SANDALI!! TAKTE KAKAGISING KO LANG MAGHINTAY KAYO!!!" Sigaw ng nasa likod namin kaya naman sabay sabay kaming lumingon nakakita naman ako ng isang bruha?? Ang g**o kasi ng buhok ehh. "Ohh aira. Sorry kung di kita nasundo kanina" sabi ni samuel. "AIRA??!!" Nagulat ako dahil sabay sabay kaming nagsalita at nagulat. "Bakit?? May problema ba?" Tanong ni aira. "Wala naman kasi akala ko kung sino na" sabi ni arriane. "Kung sino na maganda?? Alam ko na yun dati na" sabi ni aira at nagflip hair. "In your dreams" bulong ni arriane kaya naman napatawa yung iba ng mahina. "Saan tayo pupunta ngayon?" Tanong naman ni aya habang lumapit kay aira at sinuklayan. "Pupunta tayo ngayon sa humals" sabi ko sakanila. "D-doon talaga ang uunahin natin?? Lalayo ba talaga tayo rito?" Tanong ni bryle. "Yun ang kailangan dahil hindi natin mahahanap dito si zeny" sabi ko kaya naman tumango na lang sila. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa Temper forest kung saan paiba iba ang temperatura dito at maari kang magkaroon ng sakit dahil sa biglaang pagbabago ng temperatura. Dito mo makikita ang animus na hayop kung saan kaya niyang mamuhay na may pabago bagong temperatura Masyadong mapanganib ang animus para siyang lion na may pakpak at may buntot ng isda, may mga mapapangil siyang ngipin na kapag nakagat ka ay maaring mamatay ka dahil may kamandag ito na mas malakas pa sa ahas. Pagpasok namin ay mararamdaman mo ang sobrang init dito sa temper forest. "Maghanda kayo maaari nating makita ang animus rito" sabi ko sakanila kaya naman tumango sila. Pero nagbasag ng katahimikan. "Ano yung anumos? ba yun?" tanong ni aira kaya naman napafacepalm ako. "Aira basta isa yung hayop na nakamamatay ang kamandag oras na makagat ka" pagpapaliwanag ni samuel sakanya. Edi sila na may forever!. "B-bakit p-parang lumalamig?" tanong ni aira. Grabi paano natagalan toh ni zeny? "Gumawa na lang kayo ng barrier na may saktong temperatura saainyo" cold kong sabi. Kaya naman isa isa silang gumawa ng barrier. "T-teka? D-di ko a-alam gumawa" sabi ni aira kaya naman napaface palm ako arrggghhh kapatid ko ba toh? parang 5 years old pa lang siya sa asta niya. Kaya naman nilagyan ko siya ng barrier. "ANG INIT!!!" sigaw niya kaya naman lumapit ako sakanya at tinakpan ang bibig. "Anong meron?" mahinang bulong niya saakin. "Pwede ba? manahimik ka na lang??!!" sermon ko sakanya. Nagulat ako dahil para siyang batang iiyak na pero wala akong paki. "Bryle gawan mo nga ako ng barrier" sabi ni samuel kaya naman napalingon ako sakanya. "Diba may kapangyarihan ka?" sabi ko sakanya. "Di ko pwedeng gamitin dito" sabi niya. "Ehh ano ba kapangyarihan mo?" tanong ko sakanya. "D-di K-ko p-pa a-alam" sabi niya pero di ako naniniwala dahil nakikita ko sa mga mata niya na nagsisinungaling lang siya. "bryle gawan mo na siya ng barrier" kalmadong sabi ko. Lumapit naman sakanya si aira na umiiyak kaya naman nanlaki ang mga mata ko. N-napaiyak ko siya!!!! Anong gagawin ko??. Bahala na lang siya diyan. "Huhuhuhu samuel ang bad ni kuya T^T ang bad bad niya saakin paluin mo siya bilis, paluin mo siya" rinig kong sabi niya. Di ko na talaga natiis ay nauna na akong maglakad. Aira's pov "Tahan na  wag ka ng umiyak" pagtatahan sakin ni samuel. "P-pero wala naman akong ginawa ahh tapos sesermonan niya ako T^T huhuhuhu pati rin ba ikaw kaka-" napatigil ako sa paglakad dahil may narinig ko. "Aira huwag kayo diyan kumanan ka" rinig kong boses ng babae kaya naman napatingin ako sa kanang bahagi. "Aira saan ka pupunta?" rinig kong tanong ni samuel pero di ko na iyon pinakinggan at kumanan ako.  "Aira saan ka ba pupunta?" tanong ng nasa likod kong si samuel ng mapatigil ako at nilingon ang likod ko at napansin na wala na ang mga kasama namin. "S-samuel? d-diba magiging okay l-lang lahat?" kinakabahan kong tanong ko sakanya. Nakita ko naman medyo nanlaki ang mga mata nya kaya naman lumapit siya saakin at niyakap ako. "Oo andito lang ako para sayo aira." sabi niya saakin. "Maaari mo bang sabihin saakin bakit ka pumunta sa ibang direksyon?" tanong niya saakin. "May narinig akong boses ng babae ehh" sabi ko. "Zeny" bulong niya pero nagpatuloy na lang ako sa paglalakad nang makita ko ang labas ng temper forest at may bayan doon. "Samuel may bayan doon ohh" sabi ko at hinila siya. Nakikita ko naman ang mga kalahaing tao at kalahating hayop. "Humals" sabi niya. "Ibig sabihin nandito na tayo?" tanong ko sakanya kaya naman tumango ako magsisimula na sana akong maglakad ng may marinig akong pagsabog. "Ano nanaman kaya ang kalaban ng animus sa temper tree?" bulong ng isang matand. kaya naman lumapit ako sakanya at ng makita ako ay bigla na lang tumakbo at may isinigaw. "ANDYAN NA SILA!!!" sigaw niya kaya naman nagsipasok ang mga nilalang dito. "B-bakit ganun?" tanong ko kaya naman lumapit saakin si samuel. "Ito bayan na ito ay tinatawag na cursed village kung saan sinumpa silang lahat nang dating dark princess. Kaya sila natatakot saatin ay siguro ang akala nila ay isa tayong diedor. Sila ang mga pumupunta rito at namimili ng kanilang iaalay sa kanilang pinuno" pagpapaliwanag niya na ikinataka ko. "Bakit alam mo ang tungkol rito?" tanong ko sakanya. "Alam rin ba nila aya ang tungkol dito?" pagpapatuloy ko na ikinalaki ng kanyang mata. "H-hindi pero huwag mong sabihin na alam ko ang tungkol dito hah? Maya maya makakalabas na sila terrence sa temper forest" sabi niya kahit na may pagtataka sa aking isipan ay naaglakad lakad na lang ako ng may makita ako isang matandang nahihirapang tumayo sa pagbagsak. siguro ay dahil sa takbuhan ng mga nilalang rito ay natumba si lola at napuruhan kaya naman lumapit ako sakanya at inalalayang tumayo. "Maraming salamat" sabi niya ng makita ako ay nanlaki ang mga mata niya at tinulak ako kaya naman natumba kaming dalawa. "AIRA!!" sigaw ni samuel at lumapit saakin. "Hindi po kami isang diedor kaya huwag po sana kayong matakot saamin" sabi ni samuel sakanya kaya naman ay napaluha siya siguro sa saya? Agad kaming lumapit sakanya. "T-tulungan n-niyo ako. Yung a-apo ko kinuha ng mga diedor hindi pa lamang siya masyadong magaling sa sugat niya" pagpapaliwanag ni lola. "Ano po bang pangalan niya?" tanong ko sakanya. "Zeny ang kanyang pangalan nakita ko siyang nahulog sa bangin kaya tinulungan ko siya" sabi n matandan na nakapagpatigil saamin. "Z-zeny po ang pangalan niya? k-kelan po siya kinuha?" tanong ko. "Kaganina lang akala ko nga ay bumalik nanaman sila" sabi niya. "Anong sabi mo? si zeny? kinuha ng mga diedor?" cold na sabi ng nasa likod namin kaya naman napalingon kami. "Terrence"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD