PROLOGUE

188 Words
"Eunice, anak!" tawag sa akin ni Mama. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko napansin ang pagpasok niya sa kuwarto ko. "Sorry po! Hindi ko po napansing pumasok po kayo," hinging paumanhin ko. "Ikaw naman kasi, masyado kang subsob sa pag-aaral. I'm not even pressuring you. Gusto na nga kitang magka-boyfriend kaya lang ikaw 'tong ayaw." "Mom! Gusto ko po ito. Masaya po ako sa ginagawa ko. Saka wala pa po sa isip ko ang makipagrelasyon." "Alam kong masaya ka sa ginagawa mo, anak. Ang sa akin lang, sana habang bata ka pa ay magawa mo ang mga bagay na ginagawa rin ng mga normal na kabataan. Katulad ng pamamasyal kung saan-saan, panonood ng sine, pakikipag-date, at kung ano-ano pa. Baka magsisi ka sa susunod dahil hindi mo nagawa ang mga bagay na iyan." "Naiintindihan ko po. Susubukan ko pong gawin ang mga bagay na 'yon." "I'm happy to hear that! Basta lagi mong tatandaan na kahit wala na ako sa tabi mo ay piliin mo pa rin ang mga bagay na makapagpapasaya sayo." "Mom! Ang drama mo! Iiwan mo ba ako?" "Of course not! I love you always!" "I love you too, Mom!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD