Simula

2712 Words
"Oh, Sha! Nandito ka pala. Sino'ng kasama mo?" "Inaantay ko si Ryle. May date kasi kami," nakangiting sagot ko kay Aira. She's my former classmate. Tumango-tango naman siya. "I'm happy you're still together. Ang strong ninyo, ah!" "Salamat." Ngumiti ako. "Oh, ba't ka nga pala nandito? May date ka rin ba?" Ngumisi ako sa kaniya. Mahina siyang natawa saka inipit ang takas na buhok sa kaliwa niyang tainga. "Hindi, ah. I'm with my friends. Actually, hinihintay na nila ako sa meeting place namin." "Oh, okay." Napatingin ako sa orasan. He's supposed to be here already, alas nuwebe ang usapan namin kaso mag a-alas diyes na ng umaga ay wala pa rin ito. Napansin yata ni Aira ang pagsulyap ko sa orasan. "Gusto mo samahan na muna kita?" she offered which I immediately rejected. "Hindi na. On the way naman na daw siya. Baka nagpa-park na 'yon ngayon," palusot ko. "Well, okay sige. Mag-iingat ka. See you around, Sha!" Nakipagbeso pa siya sa'kin bago umalis. Ryle is my long-time boyfriend. We've been together for two years. First year college kami pareho, and we met noong third year high school kami. Open na rin ang relationship namin, at boto naman ang mga magulang namin sa isa’t isa kaya sa tingin ko’y siya na talaga ang para sa'kin. Kaya kami magkikita ngayon dahil these past few weeks ay madalang kaming magkita, since we are not on the same school anymore. Minsan tuwing free time niya ay busy ako, at kapag free time ko ay siya naman ang busy. Linggo ngayon at saktong parehas kaming walang gagawin. To be honest, nangangalay na ako katatayo. Ang tagal naman kasi niya. I texted him for the nth time at hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakuhang reply galing sa kaniya. Napagdesisyonan kong maglakad-lakad na muna. Napadaan ako sa department store. Naalala ko na may kailangan pala akong bilhin para sa project ko. Hindi ko muna inilagay ang cellphone sa bulsa ko dahil baka mag-text bigla si Ryle. T-in-ext ko na rin muna siya at ipinaalam sa kaniya na nasa department store lang ako. Imbes na dumiretso sa school supplies ay naagaw ng atensyon ko ang mga croptop na naka-display ngayon. Ang cute nila! At dahil wala pa nga si Ryle ay napagdesisyonan ko munang pumili ng mga damit, sakto at sale pa ito. "You think bagay ito sa'kin, love?" "Kahit ano naman bagay sa'yo." Biglang kumunot ang noo ko nang marinig ang boses na iyon. His voice sounds very familiar at natatakot akong kumpirmahin kung kanino iyon. I froze a bit and let myself hear more of their conversation. "Ang sweet talaga nitong boyfriend ko!" I heard the boy chuckled. "Halika na. Ako na ang magbabayad sa damit na napili mo. My treat." I gulped. This can't be happening. I need to confirm who he is. Saktong paglingon ko ay hindi ko na sila naabutan. Mabilis akong umalis sa lugar na iyon at naglakad-lakad, nagbabakasakali na makita ko sila. Ilang minuto na ang lumipas ay hindi ko pa rin sila nakikita. Bumuntong-hininga ako. Baka nga nagkakamali ako. Hindi si Ryle iyon. Ka-boses niya lang iyon. "Ouch!" Nabigla ako nang may mabangga akong tao. Hindi ko namalayang nakatungo na pala ako habang naglalakad. Masyadong okupado ang isipan ko. "Pasensya na po..." Pinulot ko ang pouch niyang nahulog. "Hindi ko po sinasadya-" Natigilan ako nang makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon. "Sha?" the boy asked. Nagtaka naman iyong babaeng kasama niya. "Magkakilala kayo?" she curiously asked. "Y-yes," tila nautal niya pang sagot. Please don't deny me. Please tell her that i'm your girlfriend. Biglang humigpit ang pagkakahawak ko sa pouch ng babaeng kasama niya. Nang hindi siya makasagot ay inunahan ko na siya. "I'm his girl-" Ngunit mabilis niyang pinutol iyon. "Schoolmate ko siya before sa dating school ko," mabilis niyang sagot. Halos manlumo ako sa naging sagot niya. Hindi ko inaasahan na sa harap ko mismo ay nagawa niya akong tanggihan, nagawa niya akong lokohin, at nagawa niya akong saktan. Ngunit imbes na magalit ay ngumiti lamang ako. Iniabot ko sa babaeng kasama niya ang pouch na kanina ko pa hawak-hawak. "I have to go. Baka hinihintay na ako ng boyfriend ko, e," paalam ko sa kanila saka mabilis na umalis sa harapan nila. Pinigilan kong huwag maiyak. Dire-diretso lang ang naging lakad ko. Ramdam ko ang panunubig ng mga mata ko, ramdam ko ang panginginig ng labi ko. Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw. I froze when someone grab my hand. "Sha..." Hearing those words really wanted to make me explode in anger. "What now, Ryle? After denying me in front of that woman, what else do you want?" My voice is shaking. "Sorry. I'm just on a hot seat," he answered. Mapakla akong tumawa sa naging sagot niya. "Hinabol mo 'ko para lang sabihin 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Sha-" "Ryle, this is supposed to be our date! Kanina pa ako naghihintay sa'yo pero ikaw pala itong may kasamang iba! How could you do this to me?! How could you even deny me?!" Tila nabigla siya sa sinabi ko. Then I realized, nakalimutan nga niya ata ang usapan namin. "Nakalimutan ko. I'm sorry," sagot nito. Sinubukan niya akong hawakan ngunit mabilis ko itong iniwasan. "Paano ko nagawang mahalin ang isang tulad mo? Looks like, we've been together for two damn years pero hindi pa rin pala kita kilala," umiiling na sabi ko. "I'm sorry—“ "Sino siya? Be honest with me. You know how I hate liars," seryosong sabi ko. Yumuko siya. "She's my girlfriend," halos pabulong niyang sabi. "Almost two months na kami." Somehow, I'm amazed. He can deny it, but he didn't. Maybe because he's really that proud about her new girlfriend. "How about me? Am I not your girlfriend anymore? Two months mo na pala akong niloloko. Kailan mo balak sabihin 'to sa'kin?" "I don't know. Ayokong masaktan ka." Mapakla akong tumawa sa naging sagot niya. "But you just did! Are you happy with her? Are you really in love with her?" Hindi siya agad nakasagot dahilan para tanungin ko siya ulit. "Answer me!" "Yes! I am in love with her!" Natigilan ako sa naging sagot niya. How come he's in love with her? Paano nangyari iyon? Hindi ko mawari kung paanong nahulog siya sa iba? Isn't his love that strong to remain faithful and loyal to me and to our relationship? "And the reason kung ba’t kita hinabol ay para tapusin iyong atin. I want to end everything between us." The next thing happened, I am already inside the bar. I don't care whoever is looking for me. I just wanted to be myself this night. I just wanted to be alone and free from all the shits happened today! "Kuya, isang baso nga ng alak!" sigaw ko sa bartender. Loud music. Loud and wild people. Disco lights. Liquors. Sila ang magiging karamay ko ngayon. Hindi talaga ako umiinom since Ryle won't allow me. Sssh, Ryle again! Stop thinking about that asshole, Sha! Just have fun and forget him! Hindi ko alam kung nakailang baso na ako hanggang sa naramdaman kong medyo nahihilo na ako. "Hey, miss. Are you alone?" Kunot-noo kong nilingon ang lalaking nasa kaliwa ko't nakaupo at umiinom rin gaya ko. Imbes na pansinin siya'y ipinagpatuloy ko na lang ang paglagok ng baso ng alak na hawak ko. "Miss, you wanna spend your night at my condo?" pangungulit niya. So to avoid him ay tumayo na lamang ako para pumunta ng dance floor. Ngunit saktong pagtayo ko'y bigla akong nahilo. "Oh, be careful!" Mabilis naman akong tumayo sa pagkakasalo niya sa’kin and quickly composed myself. "Huwag mo nga akong hawakan! Hindi kita kailangan!" Masyado ng umiikot ang paligid ko, but the music is really tempting. I want to dance! "Sumama ka na kasi sa'kin. I know you want to join me. Huwag ka ng pakipot." Nandiri ako sa sinabi niya. Kahit na medyo hilo ako ay naaanigan ko pa rin ang mukha niya. He looks like a 30-year-old man. Mas guwapo pa si Ryle sa kaniya! Ang m******s pa ng itsura. "Don't touch me!" "Tara na kasi-" Natigilan siya nang biglang may nagsalita sa likod ko. "Don't touch her. She's with me." Isa pa itong kumag sa likod ko. Wala nga akong kasama paanong may 'she's with me' pa siyang nalalaman? "Ay, ewan ko sa inyo!" Umalis na ako sa pagitan nila at naglakad na papuntang dance floor. Alam kong hindi naman ako mababastos dito since I'm wearing decent clothes. Sumabay ako sa mga taong nagwawala sa dance floor. Wala akong pakialam kung ako lang mag-isa rito, basta ang importante, I'm here to enjoy and feel free from the pain. Just this night. Ramdam kong may pares ng mata na nakatingin sa puwesto ko. Hindi ko alam kung dala lang ba ng kalasingan, o masyado lang akong praning. Ramdam kong may humawak sa pwet ko dahilan para magsitayuan ang balahibo ko. Una, binalewala ko lang iyon dahil baka aksidente lang iyon ngunit nang maramdaman ko ulit ito ay tumigil ako kasasayaw. "Touch her again or I’ll punch your f*****g face," I heard someone said. Lumingon ako ngunit hindi ko naaanigan ang mukha niya dahil sa dilim at nakakahilong kumpol ng tao na nasa paligid namin. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya pero parang narinig ko na ang boses niya kanina. "Dalawang beses ka ng muntik mabastos, hindi ka pa ba titigil sa ginagawa mo?" Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy pa rin sa pagsasayaw. Natigilan lamang ako nang mahuli niya ang kamay ko. "Did you hear what I said?" tanong niya. Kumunot ang noo ko. "Sino ka ba? Huwag ka ngang mangialam! Buhay ko 'to. Nandito ako para sumaya, huwag kang epal." Akala ko'y titigilan niya na ako ngunit hindi pa rin niya binitawan ang kamay ko. Kahit na madilim ay masama ko pa rin siyang tiningnan. "You can dance, but I’ll stay here beside you." "Abnormal," tanging sagot ko. Hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako, or totoong nakita kong napangiti siya? Aish. Nevermind. Bahala na nga! Ilang minuto na rin akong sumasayaw hanggang sa napagod rin ako mismo. Umalis na ako sa dance floor at pumunta ng CR dahil medyo naiihi na rin ako. Pagkatapos kong mag-CR ay pagewang-gewang na ang lakad ko. Nasusuka na rin talaga ako. Paano ako makakauwi kung ganitong lasing ako? Pero ayoko munang umuwi, ayoko muna silang makita. Lumabas na ako ng bar. Kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag ko and try to dial Chloe's number pero can't be reach ito. "Are you going home already?" Lumingon ako sa lalaking nagsalita. "Ikaw ba iyong lalaking sunod nang sunod sa'kin kanina? Ano bang gusto mo, ha?" naiinis na tanong ko sa kaniya. Lumapit siya sa'kin and offered his hand. "Spend the night with me. Just this night," he said huskily. Tutal hindi sumasagot si Chloe sa tawag ko, ayoko ring umuwi muna, wala namang masama kung sumama ako sa isang estranghero? Bahala na bukas. I just want to enjoy this night! I don't care what will happen next, importante ay iyong ngayon. "Just this night," nakangiting sagot ko. Minuto lang ang lumipas ay nandito na kami sa condo niya. Pagpasok ko'y halos malaglag ang panga ko nang makita kung gaano kaganda at kaayos ang mga gamit sa loob. Hindi ko alam kung nasaan na siya. Dumiretso na lang ako sa sala para humiga. Masyadong nakakapagod ang araw na ito. Spending my night with a stranger sounds horrible, but I guess he's kind and gentle naman. "Hey, beautiful. Wake up." Naalimpungatan ako nang may pumitik ng noo ko. Pagdilat ko'y muntik na akong mahulog sa sofa nang mapagtantong sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Sa sobrang pagkagulat ko, aksidenteng nabuhos ang dala niyang tubig sa damit niya pati na rin sa damit ko. "s**t! Sorry!" Mabilis kong pinagpag ang kamay ko sa kaniyang dibdib kung nasaan ang basang parte ng damit niya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Sa hawak niyang iyon ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Diretso niya akong tiningnan sa mata. I saw his jaw clenched. Ngayon ko lang malinaw na naaanigan ang mukha niya. I admit, he's handsome. Iyong hubog ng muscles sa braso niya ay masyadong visible since he's just wearing a plain white shirt. His lips are now slightly parted; he also has perfect nose. Napaka-manly ng itsura niya. Paano ko napapayag ang sarili kong sumama sa kaniya? "Kukuha lang ako ng damit para sa’yo. Wala akong pambabaeng damit rito. But I can let you borrow mine," seryosong sabi niya saka umalis. Saka ko lang na-realize na medyo basa rin pala ang damit ko. Umayos na ako ng upo, at hinintay siyang makabalik. Ilang minuto lang ang nakalipas ay bumalik na ito na may dala-dalang damit, and damn it! He's half naked for pete's sake! His body... it's perfect! "Now you're drooling over my body?" nakangising tanong niya. "Excuse me? Hindi. Mas maganda katawan ng ex ko." Pati ako'y nagulat sa naging sagot ko. Why do I need to include Ryle's f*cking name? I heard him chuckled, so I glared at him. "Kaya ka ba naglalasing, because of your ex? I wonder what your ex did para maglasing ka ng ganiyan." Hindi ko na siya pinansin. He handed me his shirt na agad ko namang tinanggap. I asked him kung nasaan ang CR niya para makapagpalit na ako. After I finally changed my shirt ay lumabas na ako ng CR. Dahil nga sa lalaki siya'y medyo mahaba ang damit niya sa akin. Nagmukha tuloy siyang daster. Naabutan ko siyang nakatayo sa balkonahe ng condo niya, and also saw two bottles of vodka. Nang mapansin niya ang presensya ko ay mabilis niyang inialok sa akin ang isang bote ng vodka. Umupo na rin ako saka nilagok ang laman nito. Wala akong pakialam kung ano’ng iisipin niya. Somehow, it really feels so good kasi pakiramdam ko sobrang malaya ako tonight. "So, hindi ka ba nag-aalala na baka may naghahanap na sa'yo?" pagbubukas niya ng usapan. Umiling ako. "Siguro 'yong mama ko, oo. I know she'll understand." Hindi na siya sumagot pa kaya ako naman ngayon ang nagtanong sa kaniya. "Why did you bring me here? Tsaka nasa'n ang parents mo?" "Both of them ay nasa States as of now. Pero maybe a week or two ay uuwi na rin sila. Sa bahay naman, mga kasambahay lang namin ang kasama ko. Weekend lang naman ako umuuwi rito. Parang may bumubulong kasi sa'kin kanina na pumunta ng bar so ginawa ko," pagkukuwento niya na ikinatawa ko. "Weird ka talaga, 'no?" natatawang tanong ko. "Nah. Hindi mo ba naisip na kung wala ako roon ay baka marami nang nambastos sa'yo?" This time ay natahimik ako because I know he's right. Kung wala siya ay baka kung sinu-sino na ang nanggulo sa akin doon. Mag-iisang oras na rin kami rito sa labas, at ramdam kong parehas na kaming lasing. Marami na rin kaming nainom, at marami na rin kaming napagkuwentuhan. Hindi ko na rin alam kung anong oras na ngayon. "Let's sleep. It's getting late." Ramdam ko na rin na lasing na siya dahil sa tono ng kaniyang pananalita. Tumayo na ako, ganoon rin siya ngunit parehas din kaming natumba dahil siguro sa pagkahilo. Natawa kami pareho. Siya ang unang tumayo saka ako inalalayan papunta sa kwarto niya. Pagkapasok namin sa kwarto niya'y nadapa ulit siya dahilan para parehas kaming matumba at madaganan niya ako. s**t! Masyadong magkalapit ang mga mukha naming, halos ramdam ko na ang init ng kaniyang paghinga kahit todo naman ang lamig ng aircon sa kwarto niya. Hindi siya agad tumayo. Pinagmasdan niya lang ako. I froze when his eyes stared on my lips. "I can't control it. I'm sorry," he huskily said then he pressed his lips against mine. Noong una ay nabigla ako, ngunit kalaunan ay nadala na rin ako sa mga halik niya. Gustuhin ko mang bumalik sa tamang pag-iisip dahil alam kong mali itong ginagawa namin, part of me says I shouldn't stop myself from doing this and just let things happen as it is. Is this part of how I wanted myself to be free tonight? If yes, then I'm willing to give up my virginity to a stranger I met this night.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD