Prologue

584 Words
Hindi ako makakilos sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa papalapit na pamilyar na lalake. How could I ever forget how handsome he is, his broad shoulder, his height and the built of his body? I felt like I'm drooling over him. He is like a Greek God that emerged from the Mt. Olympus. Agad kong winaksi ang mga naiisip ko ng biglang nasa harapan ko na sya. "Keith." Mahina kong sabi, halos hindi lumabas sa lalamunan ko ng magsalita ako. Mariin nya akong tinitigan. Somehow I can see some familiar emotions in his eyes. And I know it's rage and anger. "Dito lang pala kita makikita, naghanap pa ako kung saan-saang lugar, I even looked for you abroad." Seryoso nyang sabi habang nakakatitig saken. Hindi ako nagsalita, sa dami ba naman ng Hospital dito sa Palawan, dito pa sya napadapad. At saka bakit sya napunta dito? Anong ginagawa nya dito? May kasama ba sya? Kasama ba nya si--I felt a fang of pain from the past that I thought I already forgot about. "Give me the f*****g reason why you ran away Alex? I loathe the idea of you leaving me without a f*****g word!" He yelled with his raging eyes. His jaw clenched. Naalarma ako sa mga tao sa paligid, sumisigaw sya malamang pagtitinginan kami ng mga tao. Hindi ba nya naisip na nasa Hospital kami? "Wala akong dapat ipaliwanag sayo, at wala kang maririnig na kahit ano mula saken." Pinilit kong magsalita kahit garalgal na ang aking boses dahil pinipigilan ko ang maiyak. "Hindi din ako nagpapahanap sayo kaya bakit mo ako kelangan hanapin?" Matigas kong sagot sa kanya. "That's bullshit! Umalis ka nalang basta basta. You just left me! You owe me an explanation! I need your f*****g reason Alex." Humina ang boses nya sa huli nyang sinabi. Nakita ko sa kanyang mga mata ang pagmamakaawa. Gusto ko syang hawakan, yakapin at halikan dahil namiss ko sya ng sobra-sobra pero pakiramdam ko bumalik ang lahat ng sakit, bumalik lahat sa isipan ko kung bakit pinili kong iwanan sya at hindi na nagpakita ng ilang taon. "Come back to me, Hon. I can't live without you in my life." It felt like he is pleading and I was halted when I saw his tears. Napapikit ako dahil pakiramdam ko tinutusok ng milyon-milyong karayom ang puso ko habang nakikita syang luhaan. "Hindi na ako babalik sayo, Keith. Hindi na pwedeng maging tayo. Hindi na tayo pwede." "I don't understand what you're saying Hon." His face shifted to a serious one, enveloping every emotions that he could show. "Iuuwi na kita satin." Sabay hila sa aking braso. "Hinding-hindi ka na makakalayo sakin at hindi ako papayag na mawala ka ulit bigla." He said those words with conviction, like his life depends on it. And I know he mean it. Nagpumiglas ako sa kanyang pagkakahawak. "Hindi ako sasama sayo. At kahit paulit-ulit kong gawin na lumayo sayo, gagawain ko padin. Hinding-hindi mo na ako makikita at mahahanap Keith." "I won't let you Honey and if that f*****g happens, I'll chase you, wherever you go. I'll make sure that you'll come back to me because you are mine. Mine alone." Dali-dali akong tumalikod sa kanya at sinikap kong tumakbo palayo. Kelangan ko ng umalis dito. Kelangan ko ng lumayo dahil kung hindi masasaktan na naman ako. Hindi ko na sya nilingon pa. Hindi ko na inalam kung sinubukan nya ba akong habulin. Isa lang ang nasa isip ko, ang makaalis at makalayo sa lugar na to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD