PROLOGUE

173 Words
''Pangako, babalikan kita, Mitchy ko!'' Muli ko na naman siyang napanaginipan, maging ang pangako niya sa akin. Labintatlong taon na ang nakalipas simula nang umalis siya patungong Amerika. Pitong taong gulang ako nang makilala ko siya, at simula nang araw na iyon ay hindi na kami mapaghiwalay pa. Akala ko hindi niya ako iiwan. Nagkamali ako. Isang umaga noon at masaya kaming naglalaro. Napansin ko ang bigla niyang pagtamlay. Tinanong ko siya kung anong problema. Noong una ayaw pa niyang sabihin, pero pinilit ko siya hanggang marinig ko sa kanyang bibig ang mga salitang ni minsan ay ayokong marinig. Sobrang nalungkot ako sa sinabi niya. Hindi kaagad ako nakapagsalita at naramdaman ko na lang ang pagtulo ng aking mga luha. Muli siyang nagsalita at sinabing ''Pangako babalikan kita Mitchy ko!'' Pinanghawakan ko ang mga salitang iyon hanggang sa lumipas na ang bawat segundo, minuto, oras, araw, buwan, at maging ang taon, ngunit hindi pa rin siya bumabalik. Hanggang kailan ba ako maghihintay? Kaya ko pa ba siyang hintayin o hanggang dito na lang talaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD