Simula

1465 Words
        "Ano?" I asked him.      He just looked at me with a bored expression. Pinunasan ko iyong luha ko, I don't wanna look like I'm a f*****g pauper who needs to be saved. Nakatayo pa rin siya doon sa harapan ko. Ngumisi siya. Tumayo ako para pagpagan iyong puti kong uniporme at tiningnan ulit siyang walang ekspresyon. Tinaasan ko na siya ng kilay.         "Alam mo kung anong kulang mo? Yung self-esteem na meron ang kapatid mo and you're here crying like a baby kasi napagkumpara na naman kayo. "      Sa wakas ay nagsalita na rin siya. Akala ko ay maghapon lang niya ako ng tititigan. Tumayo na rin siya at inayos iyong name plate sa puting uniporme niya.         "Shut up, Rykel. Babalik na ako sa classroom. May klase pa ako."      Aalis na ako noobg kuhanin niya ang kamay ko at hinigit ako pabalik. Seryoso niya akong tiningnan.          "I'll help you." Sabi niya at nanatiling nakatingin ako sa kanya.      Anong help? Hindi naman ako humihingi ng tulong sa kanya. Sasabat na sana ako ng magsalita na naman siya.          "I'll help you to be like your sister, Thyrene. Para di ka na naikukumpara kay Thyrese. "     Umiling ako. Kung gusto niya na matulad ako kay Thyrese na mahilig magbar hopping at lumabas tuwing friday night para lunurin ang sarili sa alak at magbarkada ay huwag na lang. Nangako ako kay Nanay na aayusin ko ang pag-aaral ko at magiging dokotor ako on time.         "No thanks." Tinatag ko iyong kamay niya at tumalikod na.      I knew it. Hindi na kailangang ipamukha ng kung sino sa akin ang flaws ko. Iisa kami ng mukha ni Thyrese pero magkaiba kami ng pananamit, kilos at pananalita. She's finesse, habang ako mataray at seryoso. I observe and talk much. Yung tipo na di nauubusan ng sasabihin. Marami akong napapansin, hindi katulad ni Thyrese na puro filtered ang lumalabas sa magaganda niyang labi. Kilala ko siya.. Simula bata kami, ako ang takbuhan niya.     Habang nagkaklase ay may iniabot na papel sa akin ang seatmate kong si Allan. Ngumiti siya sa akin at nginuso iyong papel na binigay niya. I imagined rolling my eyes. I don't wanna be involve in his shity powertrips.     Tatlong taon na ako sa college, wala nang bago. Araw araw ng may umiiyak sa labas na babae dahil sa kanya.     'Labas tayo, later? konting isaw lang sa labas ?:)'     Tiningnan ko siya. Ngumiti siya sa akin at tumingin na sa prof na nagdidiscuss. I sighed. He's being friendly these days. Dati ay ayaw na ayaw niyang makasama ako sa iisang kwarto. He's been a jerk at talagang nakakapagtaka kung parang anghel ang turing niya sa akin at sobrang bait niya.     I crumpled the paper and tossed it inside my bag. Nakinig ako sa prof. I'm friendly, pero namimili ako. I don't want to involve myself with inorganic people.     Niligpit ko iyong notes ko. Sinakbat ko iyong backpack at tiningnan iyong wrist watch ko. Maaga akong makakauwi. I stormed out of the room ng may tumawag sa akin. Lumingon ako at gusto kong magmura ng makita ko si Allan, nakangiti na para bang best of friends kami. Tinaasan ko siya ng kilay.         "Ano? Isaw tayo! Or kahit saan?" Bungad niya. Gusto kong ihampas sa mukha niya iyong hardbound kong medical book.     Umiling ako.         "Sorry. Ayoko."      Tatalikod na sana ako ng higitin niya ako muli. I sighed.         "Ito naman. Para namang di tayo friends niyan." Pabiro niyang sabi.      Tumawa ako.          "Hindi naman talaga tayo friends. Excuse me. Huling pagkikita natin halos isumpa mo ako diba? Remember? Thesis defense?"     Umalis ako doon. Pero may lahi ata siyang aso at sumunod pa rin sa akin. He's saying sorry sa pagiging masama niya sa akin. Umiling ako. I don't care about what's his blabbing about. Gusto kong makaalis dito para makapaglaro ng airsoft.     Pumunta ako sa kotse ko. Mini cooper iyon. Regalo ni Tatay at Nanay noong mag-18th birthday ako.  Nilagay ko doon iyong bag ko at umikot na para pumasok sa driver's seat ng sumakay si Allan sa passenger's seat.     Tinitigan ko siya ng mariin.         "Labas!" I shouted.      Umiling siya.          "Pasakay na lang ako."     Para akong tanga na tumitig lang sa kanya. Nagawa pa niyang hawakan iyong iPod ko. Inagaw ko iyon sa kanya.          "Don't touch my things! Lumabas ka na, Allan Arellano. Please. You have car. What's the point of that?"     Huminga siya ng malalim.          "Look. I just wanna say sorry, okay? Ikaw itong ayaw mag-open up. I was too pissed because you questioned my research that time. I failed, that's why I got mad." Paliwanag niya.         "You failed because you're wrong."      Ngumisi ako. I know, inis na inis ako sa kanya kaya ginawa ko ang lahat mahanapan lang ng butas iyong study niya. He's a f*****g playboy. Araw araw nang may umiiyak na babae sa labas ng klase namin because of him.     Hindi ko siya pinansin at hinayaan siya doon. Huli na ako sa airsoft session ko. Every friday iyon. Kasama ko doon si Ninong Von. Siya naman ang kasundo ko sa mga ganito. Bumaba ako at sumunod siya. Sinamaan ko siya ng tingin at pumasok na sa loob ng building para makapagbihis ng proper attire. Nginitian ko iyong nag-aassist. Lumapit iyon kay Allan at may tinanong.     Nang matapos ay lumabas na ako. Nakatayo si Allan doon.          "You're playing airsoft? Wow."     Hindi ko siya pinansin at inayos ang sapatos ko. Tumikhim ang pamilyar na lalaki sa likuran ni Allan. Ngumiti ako at nagmano.          "Ninong."     He smiled at tiningnan si Allan bago bumaling sa akin.          "Boyfriend?" Iyon ang tanong niya sa akin at ngumisi.      Open ako kay Ninong pati na rin kay Nanay. Hindi ko alam. Simula bata ay click na naman kami. Umirap ako.          "No!"      Kinausap ni Ninong si Allan tungkol sa kung anu-ano. Napilit pa nga niyang sumali si Allan sa airsoft na kahit na sabihin noong hindi siya marunong at nakakahiya raw. Uminom ako sa bottled water na dala ko ng makita ang paparating.     Umirap ako. Wala na bang igaganda ang araw ko? Gusto kong magwalk-out. Mahigpit ang hawak ni Rykel sa kanyang bag habang nakatingin sa amin. I mentally cursed!         "Oh. Duchess, " Bati niya at lumipat ang tingin kay Allan na nasa tabi ko. "and the manwhore?"         "What?" Galit na galit na sabi ni Allan at susugudin na sana ng awatin iyon ni Ninong at pinagalitan si Rykel.         "Kel! Watch your words." Banta ni Ninong.      Tiningnan ko si Allan. Masama ang tingin niya sa nakangising si Rykel. Oh yeah, Rykel was Ninong's nephew. Simula bata ay kilala ko na si Rykel. Short tempered and a spoiled brat. Walang filter ang bibig niya kaya mahilig kaming mag-away simula pa lang noon. Hindi naman kami madalas magkita dahil sa Australia siya nag-aaral. Tuwing bakasyon at christmas break lamang kami nagkikita noong seven ako hanggang highschool.     Laking gulat ko nga ng makita ko siyang nag-eenrol sa school ko noong fisrt day of college. Pareho kaming kumukuha ng medicine. Nagpapasalamat ako na hindi ko siya nagiging kaklase sa loob ng tatlong taon dahil laging conflict ang schedule ko sa practice niya sa chess. I'm quite thankful dahil hindi ako naiistorbo at nakakapagfocus ako.     Nanatili kaming ganoon ng tawagin si Ninong ng iba pa naming kasama. Ngumisi ako ng naramdaman ko ang tensyon sa dalawa. Ang dalawa kong pinakaayaw na tao ay nasa harapan ko at paniguradong magsusuntukan. Hindi ko alam pero parang nag-eenjoy ako doon.     Ngumisi si Rykel sa akin.          "Nagpabilog ka kay Arellano, duchess?" Natatawa niyang sabi.      I rolled my eyes. Mukha ba akong magpapaloko sa Allan Arellano na ito? Matalino ako. Hindi ako tanga. Lumapit na si Allan at handa na siyang suntukin ng pigilan ko sila.          "Bakit? May masama ba, Garcia?" He gritted his teeth.     Nagkibit balikat si Rykel.          "Wala akong sinabi na masama. Gusto ko lang malaman kung in heat ba si Duchess at dumikit sayo."     I stomped my feet at tiningnan si Rykel.          "Shut up. What do you think of me? A slut? And I'm not your f*****g duchess, Rykel!"     Tumingin si Rykel at tiningnan ako na para siyang nagulat. Umiling siya at nangapa ng sasabihin.          "No, it's not like that. I just wanna mock Arellano. Sorry, duchess."     Hindi ko siya pinansin at nilipat ang tingin sa bawat isa. Pareho silang mainit sa isa't-isa. Silang dalawa ang pinagakkaguluhan sa university na pinapasukan ko. Kung may makakakitang babae ay sasabihin na ang swerte ko but no, I'm not. Para silang mga bata and I hate it. I actually hate them both.         "You wanna mock each other huh?"      Ngumisi ako sa aking naisip. Tinuro ko iyong field kung saan kami maglalaro ng airsoft.          "If you wanna mock each other. Go ahead, pero wag suntukan. Ayokong dumanak ang dugo dito. Fight on the field. Play airsoft."     Iniwan ko sila doon. I don't freaking wanna be with them in the first place.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD