Story By Korei Roque
author-avatar

Korei Roque

ABOUTquote
Hope you can follow me and read my stories. Thank you! Pay-To-Read: *Two Private Parts: The Hearts *The Jeepney Love Story (The Man Beside Me) *The First Guy I\'ve Noticed (BL) *Greater Heights *The Bus Love Story (You Took My Heart Away) *KIM JASON (The One Who Won My Heart) *WOOKIE (The Love To Kill) *LORENZO CLYDE (The Stuck Love) Free and Completed: *The Agent and The Runaway (Novelette) *LORKAN (The Way To Man\'s Heart) Under Evaluation and Waiting For Contract: *EVANDER (The Wild Heart Tamer)
bc
LORKAN (The Way To Man's Heart)
Updated at Jun 27, 2022, 22:46
Lorkan was the responsible in all guest ordered food. At talaga namang binabalik-balikan ng mga customers ang restaurant niya dahil sa sarap ng mga pagkain na niluluto at sine-serve niya. And then isang araw, isang babaeng nagngangalang Cirlyn ang dumating sa kanyang restaurant at hinahanap siya. Mula kusina ay lumabas siya para harapin ito at sa unang kita niya pa lang dito ay mukhang tinamaan na siya. Nagpakilala itong coordinator ng isang event na gaganapin sa Hotel Trevino. And she was asking him kung pwede raw na siya ang mag-provide ng pagkain para sa lahat ng participants. So, he agreed and they have a deal. Gusto niya kasing magpasikat dito. During the conference ay isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap --- someone's sabotage the food dahilan para magkagulo ang lahat at na-food poison ang ilan sa mga participants. Dahil do'n nagbanta ang company nila Cirlyn na kakasuhan siya. Nalagay sa alanganin ang reputasyon niya. Gano'n din ang negosyo niya. Paano niya papatunayan na wala siyang kasalanan? At paano na ang pag-ibig niya para sa dalaga gayong galit at bad shot na ito sa kanya? May pag-asa pa ba siya?
like
bc
LORENZO CLYDE (The Stuck Love)
Updated at May 28, 2022, 19:00
Lahat ay takot at pinangingilagan ang kanilang Housekeeping Manager na si Lorenzo Clyde. Hindi dahil sa nakakatakot ang mukha nito kundi dahil sa ugali nitong suplado, seryoso at hindi pa marunong ngumiti. He always wants cleanliness, orderliness at dapat organize lahat nang nakikita nito. Pero para kay Orlene ay ito ang pinaka-gwapo at pinaka-machong HK Manager na kilala niya. Kahit pa nga natatakot din siya rito. Nang minsang maglinis siya ng kwarto ay hindi sinasadyang nadatnan niya itong may kahalikan at kasama sa kama ang kanilang Supervisor na si Lovely. Mali yata ang pasok niya at mukhang naistorbo ang ginagawa ng dalawa. Agad siyang kinompronta nito ng nasa stock room siya. Laking gulat niya nang makulong sila roon. Binalot siya ng kaba at takot ngayong kasama niya ang kinatatakutan na super gwapong boss niya. Anong kapalaran ang naghihintay sa kanya sa kamay nito?
like
bc
KIM JASON (The One Who Won My Heart)
Updated at Jan 23, 2022, 01:51
Sa Hotel Trevino nag-ojt si Celestine noong fourth year college siya. On her first day, bago sila magsimula ay ipinatawag muna sila ng HR Manager na si Kim Jason Morales para sa isang briefing. Unang kita niya pa lang dito ay nagka-crush agad siya rito. Pero sa halip na makinig at mag-concentrate sa mga sinasabi ng poging HR Manager ay ayon siya at nangangarap ng gising. He caught her at agad na sinita siya. Nagalit ito sa kanya. Lumipas ang isang taon. Nagkaroon ng hiring at hindi siya nagdalawang-isip na mag-apply. Na-excite siyang muling makita ito at lalo pa nang malaman niyang ito ang mag-iinterview. Laking tuwa niya ng sa muli nilang paghaharap ay naalala siya nito --- hindi dahil sa magandang performance niya kundi sa kanyang mga kapalpakan no'ng nag-ojt siya. Nge! Paktay na! Mukhang hindi yata ito madaling makalimot. Paano na? May pag-asa ba siyang maging malapit sa tinatangi ng kanyang puso?
like
bc
WOOKIE (The Love To Kill)
Updated at Nov 29, 2021, 01:01
Nasa panganib ang buhay ni Nezzie Jane kaya palipat-lipat siya ng tinutuluyan hanggang sa pinakahuli ay sa Hotel Trevino siya napunta. Kumpiyansa siyang hindi na siya masusundan at mahahanap ng mga taong humahabol sa kanya. Pero mali ang akala niya dahil napasok ang tinutuluyan niyang kwarto roon at tinangkang sunugin iyon kasama siya. Agad namang on the rescue ang security ng hotel sa pangunguna ng Security Head na si Wookie para tulungan siya at sagipin. Nakaligtas nga siya pero nasa panganib pa rin ang buhay niya. She didn't know where to go. Nag-alok ng tulong ang binata at assurance na poprotektahan siya nito mula sa humahabol sa kanya. Pero kapalit niyon ay ang pananatili niya sa suite nito at ang pagsunod niya sa mga sasabihin at ipag-uutos nito. Tatanggi pa ba siya gayong no choice na siya? At kaya ba niyang i-risk ang kaligtasan niya kahit kapalit niyon ay ang tuluyang pagkahulog niya para sa binata?
like
bc
The Bus Love Story (You Took My Heart Away) (NEW STORY)
Updated at Jun 28, 2021, 22:30
The Bus Love Story (You Took My Heart Away) Si Paruh Shah Solomon aka ang babaeng bakla. Hindi kagandahan pero umaapaw sa confidence. Wasak at sugatan ang puso dahil nabasted ng lalaking patay na patay siya. Si Paulo San Miguel ang lalaking dahilan niyon. Ang poging waiter at lapitin ng mga beking customer nila. At may malaking sikreto na tinatago. Dahil sa kagustuhang makalimot ay nagtungo siya ng Bataan hindi para isuko ang kanyang "bataan" kundi pansamantalang kalimutan ang sakit na nadarama. Then Jamer Van Castillo came into the picture ang cutie na nakilala ni Paruh Shah habang nagmo-move sa sugatang puso. Ang lalaking tumulong sa kanya para makalimot pero may sikretong katauhan. Pero sino ang pipiliin niya sa dalawa? Si Paulo na matagal na niyang gusto na ngayo'y nakikipaglapit uli sa kanya at handa nang maging jowa siya o si Jamer Van na tumulong sa kanya para makalimutan ang lalaking dahilan ng kanyang pagdurusa at tanggap siya?
like
bc
EVANDER (The Wild Heart Tamer)
Updated at Jun 2, 2021, 22:04
Evander was the Front Office Head at lahat ng reklamo ng mga female guest nila ay agad nase-settle dahil sa kanya. He uses his charm to tame every woman pero hindi 'yong tipo na tine-take advantage niya ang kahinaan ng mga ito. But not this time with Ira Celine Hizon. Mukhang mahihirapan siya sa isang ito. Nagrereklamo kasi ito about her room accomodation. Fully booked pa naman ang hotel nila. At no choice siya. Napilitan tuloy na ibigay ni Evander ang tinutuluyang suite para pagbigyan ang demand nito kahit pa nga labag sa kalooban niya. Kaya na kaya niyang paamuhin ito gayong nasa kanlungan na niya ito?
like
bc
Greater Heights (NEW STORY)
Updated at Apr 30, 2021, 02:00
Mt. Salvacion --- ang bundok na mas kilala bilang UFO Mountain at Aliens Nest. Kung saan diumano ay nagkakaroon ng mga sightings. Ang pugad umano ng mga Alien at landingan ng mga spaceship at ng mga UFO. Si Charise Marie ang babaeng pangarap at may gustong ma-cross out sa bucketlist nito. Ang maakyat ang Mt. Salvacion sa birthday nito ng mag-isa. Si Evan Lee ang lalaking taon-taon ay umaakyat din ng Mt. Salvacion for a certain reason. Paniwala kasi nitong kinuha ng mga Alien ang girlfriend nito. Habang nasa tuktok sila pareho at nasa kanya-kanyang tent ay biglang lumamig ang simoy ng hangin. Maya-maya pa ay biglang lumakas pa lalo iyon. Tapos bigla pang nasundan ng nakakasilaw na liwanag at nakatutok iyon sa tent ng dalaga. Malakas din ang ugong na naririnig niya. Mukhang iyon na yata ang spaceship ng mga alien at anytime ay tatangayin na ang mga naroon kasama siya. Sa sobrang takot niya ay tuluyang siyang lumabas ng tent niya at napatakbo sa katabing tent kung saan nandoon ang lalaki. Sa kadesperadahan na wag tangayin na mag-isa ay napayakap siya ng mahigpit sa lalaki. Anong mangyayari sa kanilang dalawa? Ready na ba siyang "magba-bye sa Earth" at mag "Hello Aliens" habang ina-abduct kasama ang lalaki?
like
bc
THE FIRST GUY I'VE NOTICED (A LGBT+ / BXB STORY) COMPLETED
Updated at Sep 25, 2020, 03:18
Si Lein isang discret gay na takot mag-out. At si Rheo ang lalaking na sa unang kita pa lang ni Lein ay umagaw agad sa atensyon niya. Eh, paano pag nagsama sila sa isang boarding house? Tapos silang dalawa lang din ang magkasama sa iisang kwarto. Kaya bang 'wag tuluyang bumigay ni Lein at magkukunwari pa ring lalaki? O 'di kaya ay tuluyan nang maglaladlad si Lein at magpapakatotoo sa tunay niyang sexuality? NOTE: Contains unsuitable themes. Read at your own risk.
like
bc
THE JEEPNEY LOVE STORY (THE MAN BESIDE ME) COMPLETED
Updated at Sep 25, 2020, 02:06
Nagsimula ang lahat sa terminal ng jeep sa Cubao. Nang minsang magkasabay sina Monique at Jericho ng sinakyang jeep pauwi sa kanila. Mula sa pagpila at hanggang sa magkatabi sila sa upuan ay naging interesado na ang lalaki na makilala ang babae. Na-love at first sight yata sya dito. Mas lalo pa siyang natuwa ng malaman niya na iisang subdivision lang pala ang tinitirhan nila. Nagkaroon siya ng pag-asa na makilala ito pero hindi ganun kaganda ang muli nilang pagkikita. Nagbangayan lang naman sila mula sa kanila hanggang Cubao. Hindi pa doon natapos iyon. Nasundan pa iyon ng mga kamalasan. Para kay Monique isang walking disaster ang lalaki at sya palagi ang biktima nito. Kaya prinangka niya itong umalis na sa buhay nito. Napilitan na lumayo si Jericho dahil dun. Pero isang pangyayare ang muling maglalapit sa kanila.
like
bc
TWO PRIVATE PARTS : THE HEARTS (COMPLETE)
Updated at Aug 1, 2020, 06:48
May writers block at may hinahabol na deadline si Uela. At kailangan niya ng katahimikan. Kaya minabuti niyang magbakasyon sa malayo para makapag-isip, makapag-concentrate at makapag-sulat ng nobela. Isa siyang romance writer sa isang sikat na publication at nagtatago sa pangalang "Lady Elle". Sa isang private beach house sa isang malayong isla siya nagtungo kung saan ang kanyang tiyuhin ang care taker niyon. Pumayag itong doon muna siya mag-i-stay ng ilang araw habang nagsusulat.Total ay wala pa naman ang may-ari niyon at nasa ibang bansa. Pabor iyon sa kanya sapagkat gusto niya ng katahimikan. Then one day may dumating na gwapo ngunit supladong lalaki lulan ng isang yate and claiming that he was the owner of the island. Naabutan siya nito sa "property" niya kuno. Pero ang mas ikinagulat niya ay ang makita niya itong hubo't hubad sa harap niya mismo sa una nilang pagkikita. As in lahat-lahat. Nagbanta pa itong kakasuhan siya ng trespassing. Pinapalayas din siya nito doon ngunit wala siyang ibang pupuntahan. Wala pa ang magsusundo sa kanya. At mukhang delikado pa naman sa labas kasi hindi niya kabisado ang isla. Pero parang mas delikado yata siya at ang puso niya sapagkat walang tao doon kundi sila lang dalawa. Na-stuck sya doon kasama nito. Makakauwi pa ba siya?
like
bc
The Agent and The Runaway (A Novelette) (COMPLETED/UNEDITED)
Updated at Apr 11, 2020, 19:54
Ipinagkasundo si Sherri ng kanyang mga magulang na ipakasal sa isa sa mga anak ng mga kumpare nito. Pero hindi siya pumayag na ganun-ganun lang. She ran away. Hanggang sa napadpad siya sa Boracay. On her way to the island she meet Kean a gorgeous secret agent na may hinahawakang sekretong kaso sa isla. She fall in love with him at naging sila. Then one day bigla na lang itong nakipagbreak sa kanya. She didnt know it was just part of his plan. Isang katotohanan ang gugulat sa kanya. Si Kean at ang lalaking ipanagkasundo at pakakasalan niya dapat ay iisa.
like